'Untold' ni Jodi showing na, casts pasabog sa takutan at gulatan

‘Untold’ ni Jodi Sta. Maria showing na, mga casts pasabog sa takutan at gulatan

Reggee Bonoan - April 30, 2025 - 05:42 PM

Untold ni Jodi Sta. Maria showing na, mga casts pasabog sa takutan at gulatan

ISA kami sa natakot at nagulat nang mapanood namin ang horror movie ni Jodi Sta. Maria na “Untold” sa ginanap na premiere night nitong Martes, Abril 29 sa SM Megamall Cinema 3.

Tulad nang parati naming sinasabi kapag nanonood kami ng pelikula, kapag natakot at nagulat kami sa isang horror movie ay maganda ito para sa amin dahil ito naman talaga ang purpose ng cast at director, “takutin” ang manonood.

Kapag kinilig at natawa kami sa mga bida ng isang romantic comedy plus magaganda pa ang locations ay maganda rin ito para sa amin, bonus pa kung magaling umarte ang mga artista.

Baka Bet Mo: ‘Untold’ ni Jodi Sta. Maria nanakot, nanggulat; may hugot na ipinaglalaban

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Going back to “Untold” movie ay ito ay tiyak na maraming taga-media ang naka-relate at makaka-relate (sa mga hindi pa nakapanood) sa kuwento ng pelikula dahil ganito ang ginagawa ng mga reporter na naghahanap ng scoop at gustong sumikat agad.

Pero siyempre dapat totoo lahat ang ibinabalita at hindi fake news dahil malalaman din naman kung ito ay gawa-gawa lang dahil walang lihim na hindi nabubunyag.

Ito ang kuwento ng “Untold”, isang newbie reporter si Jodi bilang si Vivian Vera at bukod sa gustong sumikat kaagad at malaki ang kita kaya gumawa ng paraan para maka-scoop bagay na pinagsisihan niya sa huli.

Ang mama niyang si Gloria Diaz as Monica Vera ay masyadong bilib sa anak na si Jodi/Vivian at ipinagmamalaki niya ito sa lahat.

Si Joem Bascon bilang si Benjie na ex-boyfriend at cameraman ni Jodi/Vivian ay hindi pabor sa ginagawa nito kaya sa huli ay humiwalay na siya at nadamay din sa gulo.

Okay ang karakter ni Kaori Oinuma as Louise bilang staff reporter at bilib kay Jodi/Vivian na nu’ng nalaman niya ang lahat ng ginawa ng kanyang idolo ay hindi siya makapaniwala.

May favoritism ang role ni Mylene Dizon bilang si Sylvia at boss ni Jodi/Vivian dahil may iba siyang gusto pero dahil unang nakagawa ng scoop ang huli kaya pinaboran na niya ito pero sa bandang huli ay nagulat siya.

Bagay na kontrabida si Lianne Valentine as Amanda na dahil mukha siyang pera ay may ginawa siya at nadamay ang ina.

At siyempre markado naman ang karakter ni Juan Karlos Labajo as Jasper na pumalit na cameraman ni Jodi/Vivian na si JM/Benjie dahil matagal na rin pala niyang type ang lady reporter kaya’t sinasamahan niya ito para matuklasan kung bakit laging may nangugulo sa buhay nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagtagumpay naman sina Enrico C. Santos na siyang nagsulat at idinirek naman ni Derick Cabrido na takutin at gulatin ang nakapanood sa ginanap na premiere night lalo na ang mga esrtudyante na silang pumuno ng sinehan.

Ang lakas ng Regal Entertainment producers na sina Ms Roselle Monteverde at Atty. Keith Monteverde dahil present ang mga producers at bosses ng GMA Films, Media Quest Ventures, IdeaFirst Company, StarCinema, Dreamscape Entertainment, Star Creatives, at marami pang iba.

Kasalukuyang palabas ngayon, Abril 30 ang “Untold”, Rated PG 13 without cut, sa 200 sinehan sa buong bansa distribute by Film Council of the Philippines, Regal Entertainment, CreatePHFilms.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending