Camille Prats babu na as Princess Sarah, ‘espadahan’ kay Katrina mala-‘Star Wars’
TRENDING ngayon sa social media ang isang eksena sa Kapuso teleserye na “Mommy Dearest” na pinagbihidahan nina Camille Prats at Katrina Halili.
Paano ba naman ay tila nag-ala “Star Wars: The Last Jedi” ang naging tema ng isang eksena kung saan nagkaengkwentro ang dalawa.
Mapapanood na napuno na ang emosyon ng karakter ni Camille at dahil sa gigil ay napakuha ito ng laruang espada sa display ng mga laruan na malapit sa kanila.
Pagkatapos nito ay nilapitan niya si Katrina at pinaghahanpas ito ng laruang espada.
Baka Bet Mo: Camille Prats nagbalik sa ABS-CBN: Literally a place I call home!
View this post on Instagram
Ngunit hindi naman nagpakabog ang karakter ni Katrina at kumuha rin ito ng laruang espada sa nagtitinda ng laruan at nakipaglaban ng espadahan kay Camille.
At dahil nga sa pag-viral ng naturang eksena mula sa “Mommy Dearest” ay muling binalikan ng netizen ang isa pang nagdaang teleserye na “Ika-6 na Utos” kung saan nag-viral rin ang paggamit ng water gun ng karakter ni Ryza Cenon laban sa karakter ni Sunshine Dizon.
Agad namang umani ng samu’t saring komento ang naturang eksena mula sa netizens.
“Si Camille graduate na talaga sa pagiging Princess Sarah, Star Wards naman ang atake niya ngayon.”
“Sabi siguro ng direktor, Okay na toh haha.”
“Anong ginawa n’yo kay Camille huhuhu.”
“From Sarah Ang Munting Prinsesa to Star Wars real quick hahaha.”
“Hayan na naman ang GMA sa mga ganiyan, baka sinasadya para pag-usapan?”
Sa ngayon ay wala pa namang inilalabas na reaksyon sina Camille at Katrina o kahit ang produksyon hinggil sa viral scene ng “Mommy Dearest”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.