Kilalang female star ayaw munang ibandera sa publiko ang bagong BF

Guess, guess who!?
“WAIT mo na lang ang big reveal.” Ito ang tsika ng aming source tungkol sa isang female star at sa sinasabing boyfriend nito na naispatang nasa ibang bansa.
“Masyadong maaga pa kasi, saka gusto pribado lang ang relasyon dahil parehong may pinoprotektahan,” sabi pa ng aming kausap.
Ang siste ay hindi na maiiwasang mag-one-plus-one ang publiko dahil laging nakikitang magkasama ang aktres at ang itinuturong dyowa nito. Ang latest nga ay ang pagtungo ng dalawa sa ibang bansa na malapit lang sa Pilipinas.
Sa airport ay maraming nakakita kaya nag-viral ang larawang magkasama sila.
“Hayaan mo na, bakasyon, eh, hindi naman sila umiiwas, di ba? Ayaw lang nilang magpakaingay.
“Sabi nga sa akin, ang daming kumuha ng video for sure laman na naman ng social media,” tsika ng aming kausap pagkatapos nilang mag-usap ng aktres.
Super kalat nga ang larawan ng aktres at ng sinasabing boyfriend niya ngayon sa socmed.
Anyway, wait na lang namin kung kailan handa nang magkuwento ang aktres kasama ang dyowang richie rich.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.