Diana Zubiri, mister may pa-renewal of vows sa 10 years na pagsasama

PHOTO: Instagram/@thisisandysmith
IKA nga nila, “love is sweeter the second time around.”
At mukhang ito nga ang peg nina Diana Zubiri at ng kanyang Fil-Aussie businessman-model na mister na si Andy Smith!
Sa nalalapit nilang 10th wedding anniversary, muling sasariwain ng mag-asawa ang kanilang matamis na “I do” sa isang simpleng renewal of vows.
Ang mga makakasama raw nila riyan ay ang kanilang pamilya at malalapit na mga kaibigan.
Baka Bet Mo: Diana Zubiri may insecurities din sa katawan; bongga bagong endorsement
Ang rebelasyon na ‘yan ay inanunsyo mismo ni Diana sa kanyang YouTube vlog kamakailan, habang ibinabahagi ang behind-the-scenes ng kanyang intimate bridal shower.
Sa video, mapapanood na nagpunta ang aktres sa isang aesthetic clinic para sana sa isang content shoot.
Pero tila hindi ito natuloy dahil sinorpresa siya ng isang bonggang bridal shower na inihanda ng kanyang celebrity friends na sina Ynez Veneracion, Inah de Belen, at Kim Rodriguez!
“Guys, I never announced it. This was the reason why Andy and I have been attending meetings in Okada. We will do our 10th year renewal of vows,” sey ni Diana sa vlog.
Wika pa niya, “We have been preparing and we’re almost ready. It is happening very soon.”
Hindi man engrande, sinigurado ni Diana na magiging espesyal ang kanilang intimate celebration na punong-puno ng pagmamahalan.
At syempre, hindi pinalampas ng aktres ang pagkakataon para pasalamatan ang mga bumuo ng kanyang nakakakilig na sorpresa.
“I was so touched. I’m so happy!” sambit ni Diana.
Patuloy niya, “I am very thankful. The setup was so beautiful and the food was good.”
“I was surprised because I didn’t know that I will be welcomed with such a party, with my mother and mother-in-law even present. This day made me so happy,” aniya pa.
Matatandaang ikinasal sina Diana at Andy noong 2015 at may dalawang anak na babae na sina Aliyah at Mimi, habang may isa ring anak ang aktres na si King mula sa yumaong dating asawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.