Darren Espanto bumiyahe ng 6 oras para lang makaboto sa Nueva Vizcaya
Eleksyon 2025 - May 12, 2025 - 11:39 AM

Darren Espanto
MAHIGIT anim na oras ang ibiniyahe ng Kapamilya singer-actor at TV host na si Darren Espanto para lamang makaboto ngayong araw, May 12.
Proud na ibinandera ni Darren ang kanyang selfie matapos makaboto sa kanyang presinto sa Bambang, Nueva Vizcaya.
Ibinahagi ng binata sa kanyang Instagram account ang litrato kung saan makikitang may indelible ink na ang kanyang daliri na magpapatunay na nakaboto na siya.
Mababasa sa isinulat niyang caption, “Drove 6 and a half hours to vote today! #Halalan2025.”
View this post on Instagram
Pinusuan at ni-like ng IG followers ni Darren ang kanyang election post, narito ang ilan sa kanilang reaksykon.
“So proud of you D!”
“Oh wow ang layo ng biyahe niyo! You truly exercised your right to vote! Be safe dear.”
“Swerte naman ng mga taga-Bambang!”
“Godspeed, Darren, and we pray His guardian angels keep you safe on your journey home.”
“Tama yan, Darren! Iboto ang karapat-dapat!”
“We love you, Darren! – Team Kiko.”
“Sasakses ang good governance todayyy!!”
“Gogog Darren have safe byahe pauwi ha.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.