
Donny Pangilinan at Kathryn Bernardo
ALIW ang reaksyon ni Kathryn Bernardo nang tanungin ang auditioner na si Esay Belanio sa “Pilipinas Got Talent” episode kagabi, May 17, kung ano ang entry song niya.
Nagalingan ang “PGT” judges na sina Ginoong Freddie M. Garcia o FMG, Donny Pangilinan, Eugene Domingo at si Kathryn nga sa performance ni Esay dahil ibang-iba raa sa mga napanood na nila.
Posible naman dahil magaling naman talaga si Esay na sayang nga lang at hindi siya nagtagumpay noong nauna na siyang sumali sa “Idol Philippines Season 2” dalawang taon na ang nakararaan dahil tinalo siya ni Khimo Gumatay.
Going back to Kathryn ay binati niya si Esay ng, “What’s up rockstar? That performance was so powerful. Can I just say na ‘yung pag-sacrifice sa ‘yo ng parents mo sobrang worth it, naniwala sila sa ‘yo and ngayon nandito ka sa Pilipinas Got Talent lahat kami naniniwala sa ‘yo.”
Patapos na sana si Kath nang bigla niyang hinabol na tanungin si Esay ng, “Yung kanina mong kinanta, sorry anong title no’n?”
Kaswal na sagot ni Esay, “Nagloko Ka Rin Naman.”
Halatang nagulat si Kathryn at natawa na lang sabay lingon kay Donny at umikot ang mata. Tawang-tawa rin sa kanya ang TV host-actor.
Sabi ni Donny, “Tapos ikaw ang nagtanong?”
Samantalang si Eugene ay hindi rin napigilan ang pagtawa to the max sa reaksyon ng dalaga sabay tapik sa balikat ni Kathryn.
Hirit ni Kath, “Kasi pinatanong nila sa akin, ‘nagloko ka rin naman (mataas ng tono), atsutsu. (tawa pa rin ng tawa sina Eugene at Donny).
“Ganda (sabi kay Esay), good job, congratulations!” say pa ng aktres.