
MONDAY na naman mga Ka-BANDERA! How’s May so far? Ubos na ba ang midyear bonus o mas pinili mong mag-save for the future?
Oh well, kung anuman ang nangyari last week, move on na agad para mas maging maganda at productive ang pasok ng mga susunod na araw para sa ‘yo.
Narito again and again ang inyong resident charotera na magbibigay kulay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay kaya read mo muna ang ChiKapalaran mo ngayong linggo.
ARIES (March 21-April 19)
Besh, huwag masyadong matapang. Choose your battles at huwag laging go nang go. Hindi makabubuti sa yo ang pakikialam sa away ng BFF mo. Hayaan mong siya ang makipaglaban sa sarili niyang giyera para malaman niyang mali ang mga diskarte niya sa buhay.
Lucky Color: White
Lucky Number: 16
Swerte Meter: 3 Stars
TAURUS (April 20-May 20)
Obvious na obvious na ang red flags sa dyowa mo, Mars! Kailangan pa bang i-memorize yan!?
Huwag nang magbulag-bulagan at itigil na ang pagpapakamartir! Iwan mo na siya at pagtuunan muna ng pansin ang self-love. May naghihintay na good news mula sa isang kapamilya.
Lucky Color: Dark Blue
Lucky Number: 5
Swerte Meter: 4 Stars
GEMINI (May 21-June 20)
Tama ang desisyon mo na unahin muna ang sarili bago ang ibang tao. Walang masama at hindi kasalanan kung isantabi muna ang ibang tao.
Don’t be guilty to say no sa mga kapamilya at kaibigan na sumosobra na ang pagdepende sa ‘yo. Kailangang turuan na sila leksyon bago mahuli ang lahat. In fairness, maswerte ka this week, enjoy it.
Lucky Color: Gray
Lucky Number: 35
Swerte Meter: 5 Stars
CANCER (June 21-July 22)
Sizt, epal na epal na ang image mo kaya huwag nang magtaka kung hindi ka na nila isama sa next trip at bakasyon ng tropa. Mag-self reflect muna para sa character development para malaman mo kung bakit La Primera contravida na ang role mo sa life.
Lucky Color: Pink
Lucky Number: 29
Swerte Meter: 2 Stars
LEO (July 23-August 22)
Good job ka besh for today’s video dahil marunong ka nang makinig sa ibang tao. Mas marami kang blessings na matatanggap kung titigilan na ang pagiging selfish. Keep up the good work at magugulat ka na lang sa matatanggap na super good news sa susunod na mga araw.
Lucky Color: Sky Blue
Lucky Number: 45
Swerte Meter: 4 Stars
VIRGO (August 23-September 22)
Mars, huwag madaliin ang mga bagay-bagay pagdating sa usaping love. Everyone here has their own timeline kaya keri lang ang mag-wait sa tamang panahon.
Darating rin ang panahon na tulad nila, makukuha mo rin ang gusto mo. Sa ngayon, tamang work work at manifest muna. Hindi sa kulang ang effort mo, hindi pa talaga kasi ito ang oras para sa ‘yo. Trust the process.
Lucky Color: Purple
Lucky Number: 8
Swerte Meter: 4 Stars
LIBRA (September 23-October 22)
Sumosobra na ang pagiging komedyante mo. Hindi ka na nakakatawa, mars. Kapag ipinagpatuloy ang panlalait sa mga kaibigan, posibleng ikapahamak mo ito.
There’s a time para makipagbiruan, sizt. Hindi lahat same ng humor mo. Hinay hinay at kung kaya ay busina muna bago tayo mag-joke sa ibang tao.
Lucky Color: Bloody Red
Lucky Number: 50
Swerte Meter: 1 Star
SCORPIO (October 23-November 21)
Ang tanga-tanga mo talaga pagdating sa love. Ilang beses ka nang niloko pero hindi ka pa rin nadadala. Huwag mo nang pag-isipan, iwan mo na ang dyowa mo dahil puro sakit at pasakit lang ang ibibigay niya sa ‘yo.
Life is short. Huwag sayangin ang oras at panahon sa taong walang kakuwenta-kuwenta!
Lucky Color: Yellow Green
Lucky Number: 38
Swerte Meter: 3 Stars
SAGITTARIUS (November 22-December 21)
Ito na ang tamang panahon para harapin face to face ang mga pagsubok sa yo ng universe. Huwag na huwag iiwasan ang mga challenges na kinakaharap ngayon. Humingi ng tulong sa pamilya dahil sila lang ang dadamay sa ‘yo this time.
Hindi ito ang oras para pairalin ang hiya. Kapalan mo ang mukha ko kung ayaw mong tuluyang masira ang buhay mo.
Lucky Color: Black
Lucky Number: 19
Swerte Meter: 4 Stars
CAPRICORN (December 22-January 19)
Pagod na pagod ka na sa kahihintay sa taong gusto mong dyowain. Besh, stop na sa pagka-asyumera dahil hindi ikaw ang type niya.
Prepare yourself and don’t self-sabotage. Hindi mo siya deserve kay deadma na at huwag mong kalilimutan – isa kang kabogera!
Lucky Color: Red
Lucky Number: 27
Swerte Meter: 4 Stars
AQUARIUS (January 20-February 18)
Sabi nga nila, kapag inggit, pikit! Mars, hindi tayo dapat naiinggit sa mga taong masaya sa buhay at sa achievements ng iba. Dapat masaya tayo para sa kanila unless may masama silang ginawang proseso bago ito nakamit.
Darating din ang para sa ‘yo. Track mo lang ‘yung delivery sa link baka naligaw lang. Charez!
Lucky Color: Maroon
Lucky Number: 18
Swerte Meter: 3 Stars
PISCES (February 19-March 19)q
Uy besh, bongga ang week na ito for you dahil mangyayari na ang matagal nang inaasam sa estado ng iyong lovelife. Huwag ka nang mag-inarte at magpatumpik-tumpik pa.
Kapag nagtapat siya sa yo ng kanyang feelings, grab na agad! This is it, is it, is it! Chance mo na para lumigaya nang bonggang-bongga!
Lucky Color: Maroon
Lucky Number: 28
Swerte Meter: 5 Stars
Basta palaging tandaan mga ka-BANDERA, ang mga nakasulat sa ChiKapalaran ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o dedmahin.
Mayroon tayong freewill, gamitin natin ito! Please!