Kristel Fulgar proud ‘virgin bride’, asawang Korean nagpa-convert sa INC

Kristel Fulgar proud 'virgin bride', asawang Korean nagpa-convert sa INC

Kristel Fulgar at Ha Su Hyuk

SA halip na ikahiya, proud pang ibinandera ng actress-vlogger na si Kristel Fulgar na certified virgin pa siya sa edad na 30.

Maituturing ngang “virgin bride” si Kristel nang magpakasal sa 40-anyos na Koreanong si Ha Su Hyuk. Talagang hinintay daw niya ang pagdating ng kanyang “the one” bago ibigay ang kanyang virginity.

Ito ang rebelasyon ni Kristel sa interview sa kanya ni Toni Gonzaga para sa  YouTube channel nitong “Toni Talks”.  Napag-usapan nila rito ang naging love story nila ni Ha Su Hyuk.

Ikinasal sina Kristel at Ha Su Hyuk sa Seoul, South Korea, nitong nagdaang May 10. Kuwento nga ng aktres at singer, naranasan niya ang kanyang first kiss nang ma-engage siya kay Ha Su Hyuk last February 28.

“Actually, proud po ako doon, kasi hindi madali (maging virgin bride). Gusto ko kasing i-reserve yung sarili ko buong-buo para sa kanya, para sa future husband ko,” sey ni Kristel.


Si Ha Su Hyuk din ang first boyfriend niya, “Pangarap ko po yun, first and last boyfriend ko. Bihira po yon sa panahon ngayon, ha.

“Hindi ako nag-date ng early years ko. Hindi ko rin naman pinangarap na ang mapapangasawa ko is nasa showbiz. Kahit dati pa, hindi ko gusto na parehas kaming public figure.

“Siguro bata pa lang kasi rin ako, alam ko na kung ano yung gusto ko,” pagbabahagi pa ng dating child star.

Ibang-iba raw ang ginawang panliligaw sa kanya ng kanyang husband, hindi raw ito katulad ng mga napapanood sa mga K-drama. In fairness, matagal-tagal din siyang niligawan ni Ha Su Hyuk.

“Yun nga yung na-appreciate ko sa kanya kasi classic type of man siya. Ayaw din po niya yung modern style of dating sa Korea.

“Gusto niya slow burn din. Gusto niya patient pa rin ang love. Sobrang na-appreciate niya yung values ko mayroon ako. First and last ko, gusto ko ganun. Super patient siya, as in willing to wait talaga,” pahayag ng aktres.

Natanong din siya ni Toni ng, “Paano mo nalaman na siya na yung the one?”

“Nu’ng naging willing siya to convert to my religion (Iglesia ni Cristo). Medyo naging mahaba rin po ‘yung process. Hindi ko siya sinagot, 11 months yata inabot.”

“Isa sa mga reasons ba’t siya naniniwala kay God kasi naniniwala siya na gift ako from God. And ako, naniniwala rin ako na gift sya ni God sa akin,” ani Krsitel.

“Sa mga Bible studies, lagi siyang present. Mayroon din kaming tinatawag na pagsubok na kailangan mong um-attend nang sunud-sunod, parang ganu’n, pero wala siyang mintis po doon.

“Effort po talaga. Kahit wala ako sa Korea, tuluy-tuloy lang siyang pumupunta sa church na mag-isa,” aniya pa.

Read more...