Vice Ganda tinalakan si MC Muah: Hindi ka marunong makisama!
HINDI napigilan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang pagsabihan ang kaibigang si MC Muah sa napapansin niyang hindi magandang ugali ng kaibigan.
Sa kanyang latest vlog na kuha sa kanilang bakasyon sa Palawan, nakaupo malapit sa dalampasigan ang magkakaibigan at bawat isa ay magbabato ng tanong sa “It’s Showtime” host.
Ngunit ang masaya sanang vlog ni Vice ay nauwi sa seryosong usapan matapos siyang tanungin ni MC kung sino sa kanilang magkakasama ang ayaw niyang mapanaginipan.
Noong una ay tila nagpe-playtime pa ang komedyante ngunit kalaunan ay ni-realtalk na niya ang kaibigan dahil sa naging attitude nito sa kanilang bakasyon.
Baka Bet Mo: Vice Ganda inendorso sina Kiko Pangilinan, Bam Aquino: Ibalik sa senado
View this post on Instagram
“‘Pag kayo may rampa kayong grupo, ano mararamdaman n’yo kung ‘yung kasama n’yo papasok sa kwarto tapos lalabas kung kailan niya lang bet tapos aantayin natin siya?” tanong ni Vice sa mga kaibigan.
Pagpapatuloy pa niya, “May gagawin kayo tapos papasok na naman sa kwarto. ‘Tas aantayin mo na naman siya at hindi mo alam kung kailan siya lalabas. ‘Di ba nakakabwisit?”
Amin ni Vice, na-off siya sa ginawang mahabang pagtulog at matagal na pagligo ni MC ba tila hindi iniisip ang plano nilang magkakaibigan.
“I chose to be with all of you now. I chose to be with all of you this vacation. Kasi pwede naman kami na lang ulit ng mga nanay ko lumabas, ‘di ba?
“Pero kasi hindi ko na rin kayo nakakasama. Tapos pagdating dito, ganoon pa rin. Ugali mo lagi iyan, e,” saad ni Vice.
Ramdam na may tensyon na sa paligid at unti-unti ay naiiyak na si MC.
Sagot nito kay Vice, “Lagi ko kasing gusto ipakita ‘yung best ko sa ‘yo ‘pag kasama kita. Bakit sa amin lahat, kay Lassy, ako ‘yung madalas mo napapagalitan?”
Resbak ng Unkabogable Star, gusto niya lang itama ang napapansin niyang hindi maganda sa kaibigan.
Noong una ay pinagbigyan niya dahil baka napagod lang talaga ito ngunit nagpating patong na ang pagka-badtrip ni Vice sa kanya kaya marahil ay pumutok na ito during their vlog.
Giit pa niya, siya lang ang laging pumupuna dahil siya lang ang maaring sumita kay MC dahil hindi ito kayang gawin ng ibang mga kaibigan.
“Pag nasita ka, ngayon sasabihin mo, ‘Ba’t lagi ako nasisita?’ Fair ba ‘yung ginagawa mo sa kasama mo?” lahad ni Vice.
Dagdag pa niya, “Kaya mo nabibilang ‘yung sita ko kasi ako nga lang ang sumisita sa ‘yo kasi lahat naman sila hindi ka sisitahin.”
Sa kabila ng salpukan ng dalawa ay nagpatuloy pa rin ang vlog ni Vice.
Ngunit nanaig pa rin ang pagkakaibigan ng dalawa dahil bago matapos ang vlog ay nagkayakapan na ang dalawa.
Sobrang napahagulhol si MC habang nagso-sorry kay Vice at sa huli’y nilaro na lang ng mga beks ang isa’t isa at nagkulitan.
Giit pa niya, “So ganyan lang po ang grupo namin. Sa dulo, ang pinipili pa rin po namin ay ang pakikipagkaibigan, pagmamahalan, at ang isa’t isa.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.