Arnell Ignacio ipinagtanggol ni Rendon Labador sa P1.4-B deal: Kawawa naman!

Arnell Ignacio ipinagtanggol ni Rendon Labador sa P1.4-B deal: Kawawa naman!

Arnell Ignacio at Rendon Labador

HINDI naniniwala ang motivational speaker na si Rendon Labador na kayang manloko ni Arnell Ignacio bilang opisyal ng gobyerno.

Nalalagay ngayon sa kontrobersya ang TV host at komedyante matapos maugnay sa hindi umano otorisadong P1.4 billion land aquisition deal ng OWWA.

Sa kanyang Facebook post, ibinandera ni Rendon ang pagsuporta niya kay Arnell na tinanggal nga bilang OWWA administrator at nagsabing isa ang TV host na totoong nagtrabaho para sa proteksyon at kapakanan ng mga OFW.

“KAWAWA ANG MGA OFW kapag walang malasakit ang mailalagay bilang OWWA CHIEF.

“Konti nalang yung mga nailalagay sa pwesto sa gobyerno na may totoong malasakit,” simulang pagbabahagi ni Rendon.

Pagpapatuloy pa ng content creator, “Sa itsura ni Arnell na yan hindi ako naniniwala na kaya niya manloko ng 1.4B. Para sa akin si Arnel lang yung totoong nag trabaho at nag pakita ng totoong malasakit sa mga OFW.

“Dapat pina resign nalang ng maayos kung gusto siya palitan, huwag na sana gawan ng issue.


“Masakit din makita na sa dami ng ginawa niya masisira lang ng ganu’n ganu’n na lang. Kawawa yung tao.

“Pero syempre kung totoong may mali nagawa, dapat managot. Protektahan natin palagi ang mga bayaning OFW,” aniya pa.

Sa isa pa niyang hiwalay na post, sinabi ni Rendon na, “Pumunta sa resto ko yan pinakain ko ng #MotivationalRice Naparami ng order kaya motivated sa buhay. Laban bro!!!

“Ano masasabi ng OFW???  nahahati mga opinyon dito sa comment section. Yung iba galit yung iba naman kakampi.

“Sana imbestigahan ito ng tama para magka alaman. BASTA KAKAMPI TAYO NG MGA OFW, Hanggang may boses tayo pag lalaban natin ang mga OFW natin,” aniya pa.

Narito naman ang ilang komento ng netizens sa FB post ni Rendon.

“Isa si Arnel na pinaka masipag na public servant during the time of PRRD.
Even up to now. Actually surprised ako bakit hindi sya napag initan agad ni BBM. Arnel doesn’t deserve to work under the BBM administration. He’s way better than this current government. Mabuti wala na sya dyan. Hindi na sya. madadamay sa galit ng tao pagdating ng araw. Well done Arnel.. thank you for serving our OFWs. Good luck sayo.”

“Dhl lang kumain sa resto mo my malasakit na? Gusto ko rin nman sya bilang namumuno sa aming mga ofw. Pero kailangan nia paring harapin kung talagang wala syang kasalanan. Lalabas parin nman ang katutuhanan.”

“Totoo. ngyari saken to lastyear. hahayaan ko na nga lang sana, nagawa pa manira.”

“Lav po namen si sir arnel madali lapitan mahal Nia mga ofw na katulad ko hayan niyo po sa 2028 babalik kayu jan.”

“Sa kanya lang namen naramdaman na naglingkod sa aming mga OFW . Sana makabalik sya sa pwesto.”

Nitong nagdaang araw, nagsalita na rin si Arnell tungkol sa kontrobersyal na P1.4 billion land aquisition deal sa OWWA at Martin niyang itinanggi na ito’y maanomalya.

Read more...