
Carla Abellana
BEAST mode ang Kapuso actress na si Carla Abellana dahil sa isang fake news na nabasa niya tungkol sa kanila ng ex-husband na si Tom Rodriguez.
Inalmahan ng aktres ang news item sa isang online site kung saan nabanggit na malapit na raw silang magkaayos ng dating mister, base sa raw sa kanilang source.
Pinalalabas sa naturang balita na lumambot na ras ang puso ni Carla kay Tom matapos silang maghiwalay noong January, 2022.
May pagkakataon umano na nag-usap ang dating partners tungkol sa kanilang pagbabalikan pero hindi pa raw ready that time si Carla para sa isang reconciliation.
Sa isang bahagi ng artikulo, sinabing bumilib daw ang ama ni Carla na si Rey “PJ” Abellana dahil patunay daw ito na meron nang “emotional growth” ng anak.
Ito raw ang dahilan kung bakit hindi na pinanghumasukan ng veteran actor ang breakup ng dating mag-asawa.
Narito ang buong nilalaman ng artikulo sa inireklamong online site ni Carla: “WHAT CHANGED? According to insiders close to the Abellana family, PJ’s heart softened after seeing how much Carla still cared for Tom, even after everything.
“It is said that despite the pain, she never spoke ill of him and still believed he had a good heart — just lost along the way.
“Recently, reports surfaced that Tom has returned to the Philippines quietly and has reached out to Carla.
“What began as cautious conversations reportedly turned into healing and forgiveness, paving the way for the possibility of reconciliation.
“‘They’ve been talking again. Carla’s not rushing, but she’s not closing the door either,’ a source claimed.
“That’s when her father, seeing his daughter’s emotional growth, decided to step back and offer support instead of resistance.”
Sa Instagram Story ng aktres, ni-repost niya ang screenshot ng online article kalakip ang pahayag niya na wala itong bahid ng katotohanan.
Ang maikli ngunit kumakagat na pahayag ng aktres na tila may himig ng pagbabanta, “Eh kung kasuhan ko nalang kayo at yang ‘source’ ninyo ng libel?”
Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kay Carla noong June, 2024 sinabi niyang divorced na sila ni Tom base sa foreign divorce decree at napatawad na rin daw niya ang aktor.
“We are divorced. Recognized na po yan ng court, local court po natin dito,” aniya.
Matatandaang nagpakasal sina Carla at Tom noong October 23, 2021 after ng pitong taong relasyon bilang magkasintahan. Pero after three months ay naghiwalay agad.
Single pa rin hanggang ngayon si Carla habang masaya na si Tom sa piling ng bago niyang dyowa at ng kanilang anak.