Freddie namatay sa multiple organ failure; OPM artists nagluluksa

Freddie Aguilar namatay sa multiple organ failure; Jim, Bayang, Cooky nagluluksa

Ervin Santiago - May 28, 2025 - 02:19 PM

Ka Freddie namatay sa multiple organ failure; Jim, Cooky, Bayang nagluluksa

Freddie Aguilar, Jim Paredes, Bayang Barrios at Cooky Chua

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang mga kaibigan at supporters ni Freddie Aguilar na namaalam na ito sa mundong ibabaw.

Kinumpirma ng dating asawa ng award-winning OPM icon na si wife Josephine Quiepo na ang ikinamatay nito ay multiple organ failure habang naka-confine sa Philippine Heart Center sa Quezon City.

Nagpadala ng mensahe si Josephine sa programang “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon at ito ang binasa ng King of Talk upang ipaalam sa publiko ang malungkot na balita.

“Pumanaw na po ang OPM icon na si Freddie Aguilar sa edad na 72. Kinumpirma po ito sa amin ng kaniyang ex-partner at ina ni Maegan Aguilar na si Josephine.

“Ayon kay Josie, binawian ng buhay kagabi si Ka Freddie sa Philippine Heart Center dahil sa multiple organ failure,” ayon kay Tito Boy.

Samantala, ilang OPM artists din ang nagpaabot ng pakikiramay sa naulilang pamilya ni Ka Freddie.


Sa Instagram, ibinahagi ng veteran singer-songwriter at member ng APO Hiking Society na si Jim Paredes ang screenshot ng art card kung saan nakalagay ang tungkol sa pagkamatay ni Ka Freddie.

“Farewell Freddie. Salamat sa mga awiting iniwan mo,” aniya sa caption.

Nagbigay din ng mensahe ng pamamaalam ang bokalista ng bandang Color It Red na si Cooky Chua sa pamamagitan ng Facebook kalakip din ang art card na naglalaman ng anunsiyo ng pagkamatay ni Freddie.

“Paalam sa isa sa haligi ng OPM. Salamat po sa lahat ka freddie. Rest in peace..pakikiramay at dasal sa buong pamilya at sa mga mahal sa buhay,” ang mababasa sa caption.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang post naman ng isa pang OPM singer-songwriter na si Bayang Barrios sa kanyang FB page, “Payapang paglalakbay, Ka Freddie! Salamat sa iyong musika!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending