Gerald Anderson, Julia Barretto hindi pa hiwalay, photos ‘intact’ pa rin
WALANG katotohanan ang mga kumakalat na chikang hiwalay na ang Viva star na si Julia Barretto sa boyfriend nitong Kapamilya actor na si Gerald Anderson.
Base sa nakalap ng talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz, nananatiling magdyowa raw ang dalawa.
Kabilang kasi ang isyung hiwalayan nina Gerald at Julia sa pinag-usapan sa last episode ng “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi at Tita Jegs.
Isang source na nakakakilala sa dalawa ang nagsabing hindi totoo ang isyung hiwalay na ang dalawa.
Baka Bet Mo: Gerald Anderson, Julia Barretto hiwalay na nga ba?
“Kasi ang alam ko dyan, sila pa rin. Ang alam ko ha. Kasi mayroon akong isang tineks. Sabi ko, ‘Sila pa ba?’ Sagot sa akin, ‘Mama, fake news yan! Huwag kang maniwala. So sila pa rin,” lahad ni Ogie.
View this post on Instagram
“Si Gerald Anderson ay hindi pa rin ako sinasagot pero na-seen naman niya ‘yung message ko para rin malaman natin kung ano ba talaga ang totoo [sa relasyon nila ni Julia],” pagpapatuloy pa ni Ogie.
Samantala, hindi pa rin namamatay ang chikang wala na ang dalawa dahil marami sa mga netizens ang nakapansin na burado na ano ang mga larawan ng aktor sa IG feed ni Julia.
“Alam mo namang nagiging batayan ngayon ng netizens ang mga Instagram posts,” sey pa ni Ogie.
Ngunit ayon sa handler ni Julia ay nanating “intact” ang photos nila ni Gerald.
Kamakailan ay lumabas ang balitang mukhang hiwalay na ang dalawa matapos mausisa ang aktor kung bakit tila wala ang aktres sa kanyang naging bakasyon.
Samantala, wala pang direktang pahayag sina Gerald at Julia hinggil sa isyung hiwalayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.