Jennica Garcia inakalang pumanaw na, join lang pala sa sagala

Jennica Garcia inakalang pumanaw na, join lang pala sa Santacruzan

Ervin Santiago - May 29, 2025 - 09:45 AM

Jennica Garcia inakalang pumanaw na, join lang pala sa Santacruzan

Jennica Garcia

NALOKA ang mga kaibigan at supporters ni Jennica Garcia nang bumalandra sa social media ang isang art card na may mukha ng Kapamilya actress.

Natensiyon at nag-alala raw ang mga ito nang makita nila sa Instagram account ni Jennica ang naturang litrato dahil para raw itong art card ng taong sumakabilang-buhay na.

Kaya naman halos lahat ay napa-second look sa picture at talagang binasa nang bonggang-bongga ang nakasulat sa announcement.

Sabi ng ilang IG followers ng aktres at celebrity mom, may trauma na kasi sila dahil sa sunud-sunod na kamatayan sa mundo ng showbiz. Ang huli nga ay ang pagpanaw ng OPM legend na si Freddie Aguilar.

Natahimik naman agad ang isip at puso ng showbiz friends at mga tagasuporta ni Jennica nang malamang tungkol lang pala sa “Grand Sagalahan” ang kanyang post.

Magaganap ang Santacruzan sa isang chapel sa Bocaue, Bulacan bukas, May 30.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennica (@jennicagarciaph)


Ang aktres at celebrity mom ay naimbitahan daw na maging “Reyna Emperatriz” sa naturang Santacruzan.

Sa comments section ng IG post ni Jennica, isa sa mga kinabahan ay ang friend niyang si Melai Cantiveros.

“Natakot ako partner baaaaaa anu kaba,” komento ni Melai. Na sinagot naman ni Jennica ng, “SAKAPAAAAA!”

Napa-comment din ang Kapamilya star na si Janine Gutierrez na nagluluksa pa rin sa pagkamatay ng kanyang mga lolang sina Pilita Corrales at Nora Aunor. Aniya, “Bebeeeee bakit ganyan Puso ko.”

Hirit naman ng komedyanang si Alora Sasam, “Kinabahan ako dzaii!!”

Sey ni Lovely Abella, “Gaaaa bat ganyan!!!!”

“Pangga nastress ako sa picture na to juskoooooo!! Ahahhaha. Love you,” komento ni Iwa Moto.

Narito pa ang ilan sa mga comment ng IG followers ni Jennica.

“Aaang sakit sa puso ng design hahahaha nakakaloka kinabahan ako.”

“Kinabahan naman ako! Hahaha!”

“Kung sino man po namili ng layout sana masarap ang ulam mo. Nagbukas lang ako ig, muntik ako ma-heart attack.”

“Bakit naman kasi ganiyan ang design nakakaloka hahaha.”

“BAT NAMAN GANITO AN GDESIGN GULAT AKO PAGBUKAS KO NG IG ITO BUMUNGAD.”

“OMGGG BAKIT PO GANUN LAYOUT …. Akala ko kung ano na nangyari.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mag flores lng pala tapos tinalo pa st peter sa lay out.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending