Rikki Mae Davao feeling buhay pa rin si Ricky: Parang nasa taping lang siya

Ricky Davao, Rikki Mae Davao at ang iba pa niyang mga anak
FEELING ng Kapuso star na si Rikki Mae Davao ay buhay na buhay pa rin ang namayapa niyang tatay na si Ricky Davao.
Ngayong araw, May 30, ginugunita ng pamilya at mga kaibigan ng premyadong aktor ang kanyang 64th birthday. Pumanaw si Ricky o Frederick Charles Caballes Davao, noong May 2, 2025 sa edad na 63.
Sa kanyang Instagram account, nag-share si Rikki Mae, na napanood sa Kapuso series na “Widows’ War”, ng litrato ng kanyang ama na may hawak na container na naglalaman ng pagkain.
“I miss my dad,” ang caption na inilagay ni Rikki Mae sa kanyang IG Story.
“Sometimes it feels like nasa taping lang siya, busy sa pagdidirek,” dagdag pa niya.
Nauna rito, nag-post din ang anak ni Ricky sa IG ng madamdaming message para sa ama kung saan inamin niya na hirap na hirap pa rin siyang ipagpatuloy ang buhay nang wala ang aktor.
“I still don’t know how to live in a world without you, but I will make sure to live my life the best way I can, and I will honor you by striving to be a good person every day and always doing my best,” aniya pa.
Nagsimula ang showbiz career ni Ricky noong early 80s at nakagawa ng humigit-kumulang 100 pelikula, bukod pa riyan sa napakaraming teleserye na ginawa niya sa iba’t ibang TV network.
Bukod sa pag-arte, nakapagdirek din ng ilang TV show si Ricky. Isa rin siyang i
Industrial Management Engineer pero hindi na nga niya ito nagamit bilang propesyon.
Sa apat na dekada niya sa entertainment industry, narito ang ilan sa mga pelikulang nagawa niya: “Berdugo ng Munti” (1993), “Eskapo” (1995), “Kristo” (1996), “Mula sa Puso” (1999), “You and Me Against the World” (2003), “Barcelona: A Love Untold” (2016), “Bato: The General Ronald dela Rosa Story” (2019), “Big Night” (2021).
Sa telebisyon, napanood siya sa “Mula Sa Puso” (1997), “Pangako sa ‘Yo” (2000), “Kay Tagal Kang Hinintay” (2002), “Dyesebel” (2008), “Bilangin Ang Bituin sa Langit” (2019), “I Can See You: AlterNate” (2021) at marami pang iba.
Kasama rin siya sa upcoming action-fantasy series ng GMA 7, ang “Encantadia Chronicles: Sang’gre” na pinagbibidahan nina Angel Guardian, Kelvin Miranda, Faith da Silva at Bianca Umali.
Ilan sa mga natanggap niyang awards and recognition ay ahg sumusunod: Best Supporting Actor for “Fuccbois” sa 2019 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival; Best Supporting Actor for “Kasal” sa 3rd The EDDYS Awards; Film Ambassador-Actor sa Film Development Council of the Philippines’ Film Ambassadors’ Night.
Naging juror siya sa first ASEAN International Film Festival Awards noong 2013.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.