
FILE
SA buwan ng Hunyo, magkakaroon ng dalawang araw ng pahinga!
Opisyal na kasing idineklara ng Malacañang bilang mga regular holidays ang June 6 at 12 bilang paggunita sa Eidul Adha (Feast of Sacrifice) at Araw ng Kalayaan.
Ang Eidul Adha ay isa sa pinakamahalagang kapistahan ng mga kapatid nating Muslim, na inaalala ang pagsakripisyo sa anak ni Abraham bilang tanda ng pagsunod sa Diyos.
Ito ay ipinagdiriwang tuwing ika-10 araw ng Zhul Hijja, ang huling buwan sa Islamic calendar.
Baka Bet Mo: Jesi Corcuera ipinakita ang surgery scars: Simbolo ng aking kalayaan
“Following the 1446 Hijrah Islamic Lunar Calendar, the National Commission on Muslim Filipinos has recommended that June 6, 2025, Friday, be declared a national holiday, in observance of Eid’l Adha,” saad sa Proclamation No. 727 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Samantala, ang June 12 naman ay isang makasaysayang araw para sa ating mga Pilipino –ang Araw ng Kalayaan!
Ito ang araw nang iproklama ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas mula sa pananakop ng Espanya noong June 12, 1898.