KZ Tandingan ayaw pa ring magbuntis at maging nanay

TJ Monterde at KZ Tandingan
AYAW pang magbuntis at magkaanak ni KZ Tandingan sa ngayon dahil wala pa ito sa kanyang top priorities.
Aminado ang Kapamilya singer-songwriter na hindi pa siya ready na maging nanay o magulang sa puntong ito ng kanyang buhay.
Sa nakaraang episode ng “Time First” podcast ng SB19, diretsahang sinabi ni KZ na mas nais muna niyang mag-focus sa kanyang career.
“Mas ako ‘yung mas ayaw pa, for now. I think I’m in my season of waiting sa career ko na parang ngayon, I am happy with where I am pero I am hoping na sana may mangyari pa na I have more songs, parang ganu’n,” lahad ng singer.
Hindi rin naman daw sila nagmamadali ng kanyang asawang si TJ Monterde na magka-baby kaya wala itong isyu sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa.
“We are not saying we are closing the doors, but I am trying to take my time kasi I also don’t want to force myself to become a mother just because I was pressured.
View this post on Instagram
“Ayaw kong dumating ‘yung time na kapag nabuntis ako, baka kapag dumating na ‘yung time na may anak na ‘ko, I don’t want to rob my child of the time that they deserve because gusto ko pang mag-work nang mag-work,” paliwanag ni KZ.
Pagpapatuloy niya, “Ayaw ko rin dumating ‘yung time na baka kapag hindi na ako mag-work, baka at the back of my mind may regret ako na hindi ko naipaglaban ‘yung career ko.”
Dagdag pa ng award-winning singer-performer, “But I don’t think jumping into it just because of pressure is correct.”
Naniniwala rin si KZ sa plano ng Panginoon para sa kanila ni TJ, “Kahit sabihin natin, ayaw pa namin, ayaw ko pa, kapag binigay naman ng Panginoon ‘yan, I believe it’s meant to happen.
“Baka ako lang hindi pa ako ready pero kapag binigay ng Panginoon ‘yan, then the Lord must think I am ready,” sey pa ni KZ.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.