Jane de Leon inokray ng bashers dahil sa malalang pag-iyak sa PBB Collab

Jane de Leon inokray ng bashers dahil sa malalang pag-iyak sa PBB Collab

HINDI napigilan ng Kapamilya actress na si Jane de Leon ang mapaiyak bago tuluyang lumabas sa Bahay ni Kuya nitong nagdaang Sabado, May 31.

Isa si Jane sa mga naging celebrity house guest sa “PBB Celebrity Collab Edition”. Tatlong araw din siyang namalagi sa loob ng Big Brother house kung saan naka-bonding niya ang mga natitirang housemates.

Sa isang bahagi ng nakaraang episode ng programa ay hindi niya napigilan ang maging emosyonal at talagang naibuhos niya ang kanyang feelings bago tuluyang lumabas ng PBB House.

In fairness, may mga naawa at na-touch sa mga naging pahayag ni Jane sa confession room at habang kausap ang mga host na sina Bianca Gonzalez at Gabbi Garcia, matapos ang kanyang three-day stay sa programa.

Baka Bet Mo: Jane de Leon sa viral ‘snobbing issue’ sa isang event: Don’t believe everything…

Pero marami rin ang naloka at nabwisit kay Jane dahil hindi nila nagustuhan ang pag-cry ng dalaga. Feeling nila ang OA ng naging reaksyon ni Jane sa loob ng “PBB” house.

Nakakaloka ang mga comments ng netizens, as in talagang kung anu-anong masasakit na salita ang ibinato sa kanya na akala mo’y nakagawa ang dalaga ng mortal sin.

May nagkomento pa nga na inagawan pa raw niya ng eksena ang latest evictees sa “PBB Celebrity Collab Edition” na sina Xyriel Manabat at Vince Maristela. Narito ang ilang reaksyong nabasa namin sa social media.

“Kaloka ka Jane! Dinaig mo pa ang housemates sa ka-OA-yan mo. Ikaw ba ang naevict?! Di kami nainform.”

“Si Jane de Leon parang na evict sa pbb, nahiya yung mga evictees sayo teh! OA!”

“Sayang yung airtime ng PBB dapat she gave way for the evictees its their last day sa bahay ni Kuya, naputol tuloy sa TV.”

“Stop bashing Jane, her emotional departure was a reminder that she’s human, and her feelings matter.”

“Ikaw na talaga Jane de Leon! Galing mang agaw ng eksena teh!

“To her haters who say she ‘faked’ her tears or was ‘overacting,’ consider this: Jane’s emotions were genuine, stemming from the pressure, exhaustion, and attachment she developed during her time in the Big Brother house.”

Read more...