LIST: Mga pelikula sa Hunyo kumpleto rekados

LIST: Mga pelikula sa Hunyo kumpleto rekados, Pinoy classics babandera rin

Pauline del Rosario - June 02, 2025 - 02:21 PM

LIST: Mga pelikula sa Hunyo kumpleto rekados, Pinoy classics babandera rin

TILA kumpleto sa rekados ang aabangang mga pelikula sa mga lokal na sinehan para sa buwan ng Hunyo!

Ang mga babandera kasi ay mula Pinoy classics nina Nora Aunor at Vilma Santos, hanggang sa comeback killer doll na si M3GAN at ang racing bida mode ni Brad Pitt.

Narito ang listahan ng mga agaw-eksena this month:

Baka Bet Mo: ‘Superman’ lilipad pa-Pinas, mga bida at direktor ng pelikula darating sa June 19

T-Bird at Ako

LIST: Mga pelikula sa Hunyo kumpleto rekados, Pinoy classics babandera rin

PHOTO: Courtesy of Ayala Malls Cinemas

June 4 pa lang, parang biritan na sa aktingan ang matutunghayan sa big screen!

Ipapalabas sa Ayala Malls Cinemas ang “T-Bird at Ako” na pinagbibidahan ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor at Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Dito, abangan ang makapangyarihang kwento ng abogadang si Sylvia at ang dancer na si Sabel. 

Mga Anak ni Facifica Falayfay

LIST: Mga pelikula sa Hunyo kumpleto rekados, Pinoy classics babandera rin

PHOTO: Courtesy of Ayala Malls Cinemas

Back-to-back movie ng “T-Bird at Ako,” ang 1987 classic film ni Dolphy na “Facifica Falayfal” na masisilayan din sa Ayala Malls Cinemas.

Tampok din diyan sina Roderick Paulate, Zsa Zsa Padilla, Lotlot de Leon, Eric Quizon, at Rolly Quizon.

Ang pelikula ay isang balik-tanaw sa kwento ni Rodrigo (Roderick Paulate) na grappling with identity at acceptance. 

How to Train Your Dragon

LIST: Mga pelikula sa Hunyo kumpleto rekados, Pinoy classics babandera rin

PHOTO: Courtesy of Universal Pictures

Isa sa mga inaabangan na pelikula ay ang live-action adaptation na “How to Train Your Dragon.”

Ipapalabas na ‘yan sa darating na June 11 sa mga lokal na sinehan.

Ang kwento ay focus pa rin kay Hiccup na isang awkward Viking kid na makikipagkaibigan sa pinakakinatatakutang dragon sa Berk na si Toothless.

28 Years Later

LIST: Mga pelikula sa Hunyo kumpleto rekados, Pinoy classics babandera rin

PHOTO: Courtesy of Columbia Pictures

Pagdating ng June 18, mukhang kailangan niyo ng strong stomach at matibay na heart upang mapanood ito!

Magbabalik na kasi ang rage virus na unang nagpasigaw sa atin noong “28 Days Later”! 

Pero ngayon, mas malala, mas madilim, at mas nakakakaba ang bagong horror film na “28 Years Later.”

With Jodie Comer and Ralph Fiennes, expect mo na horror meets survivor ang drama na tiyak titindig ang balahibo mo!

M3GAN 2.0

LIST: Mga pelikula sa Hunyo kumpleto rekados, Pinoy classics babandera rin

PHOTO: Courtesy of Universal Pictures

Sa June 25 naman, magbabalik ang favorite killer AI doll!

Pero sa latest movie na “M3gan 2.0,” may kasama na siya! Kaya maliban sa upgrade, mukhang nag-level up na rin ang pelikula sa gigil, gulo, at gulatan.

F1 The Movie 

LIST: Mga pelikula sa Hunyo kumpleto rekados, Pinoy classics babandera rin

PHOTO: Courtesy of Warner Bros. Pictures

Para naman sa mga mahilig sa sasakyan at pagalingan sa race track, ipapalabas na rin sa June 25 ang “F1 The Movie!”

Pagbibidahan ito ni Brad Pitt bilang Sonny Hayes, na dating F1 legend na bumalik sa karera para iligtas ang team ni Javier Bardem.

Maliban kina Brad at Javier, tampok din sina Damson Idris, Kerry Condon, Tobias Menzies, at Kim Bodnia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending