Darryl Yap naghain ng not guilty plea sa cyberlibel case na isinampa ni Vic Sotto
NAGHAIN ang controversial director na si Darryl Yap ng not guilty plea sa kasong cyberlibel case na isinampa sa kanya ng beteranong actor-comedian na si Vic Sotto.
Ito ay may kaugnayan sa ginawang trailer ng pelikulang ginawa niya na may titulong “The Rapists of Pepsi Paloma”.
Nitong Martes, June 3, naganap ang arraignment sa Muntinlupa Regional Trial Court para sa kasong isinampa ni Bossing Vic laban kay Darryl.
Kinumpirma rin ng kanyang legal counsel na si Atty. Raymond Fortun ang paghahain ng kanyang kliyente ng not guilty plea.
Baka Bet Mo: Kampo ni Vic sa kaso ni Darryl Yap: We believe that justice will soon be served
View this post on Instagram
Lahad ng abogado ni Darryl, “During pre-trial, we try to agree on certain facts then there will be disclosure of ‘yung mga evidences that are going to be presented.”
Magaganap ang unang hearing sa August 19, 2025 ngunit bago ito ay magkakaroon muna ng mandatory mediation conference.
“Sa batas natin, at ito ang hindi alam ng karamihan, ninanais pa natin ang husgado na magkaroon ng maayos na kaayusan ng mga partido.
“Merong tinatawag na mediation proceedings. Mandatory po ito at during the mediation ay sisikapin nung isang duly authorized and experienced na mediator na magkasundo ‘yung mga parties,” saad ni Atty. Fortun.
Nang mausisa naman sa posibilidad ng settlement sa pagitan nina Darryl at Bossing, “There’s always room for settlement. There’s always room for parties to reconcile and ang important naman dun ay ‘yung willingness ng bawat isa na manumbalik ‘yung mga bagay na dati naman ay tahimik.”
Ayon naman sa abogado ni Bossing na si Atty. Enrique Dela Cruz, legal counsel for veteran actor and host Vic Sotto, who is the complainant in the case, corroborated today’s events.
Ibinahagi naman ng abogado ni Bossing ang mga nangyari sa hukom.
“Nagkaroon lang ng arraignment and pre-trial binasahan ng habla si Mr. Darryl Yap at nag-usap ‘yung magkabilang panig sa harapan ng hukom kung ano-anong mga dokumento ang mamarkahan, ano-anong mga issues, anong mga bagay ang inaamin ng magkabilang panig,” ani Atty. Dela Cruz.
Inamin rin niya na hindi pa nila napag-uusapan ng kliyente ang tungkol sa pagkakaroon ng settlement.
“Hindi pa namin siya uli nakakausap kung open siya sa amicable settlement kaya binuksan ‘yung pagkakataon. Mandatory ‘yung pre-trial… ‘yung mediation, so nagtakda ng mediation. We’ll ask him again,” sey pa ng abogado.
Dagdag pa niya, “The last time na nagkausap kami, ang sabi niya (Vic), ‘proceed tayo to trial. Let the courts decide.’”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.