Ivana Alawi wapakels sa isyu, naki-join sa Cleopatra trend

Ivana Alawi wapakels sa isyu, naki-join sa Cleopatra trend

UNBOTHERED queen ang atake ng Kapamilya actress na si Ivana Alawi dahil tila wapakels lang ito sa kinakaharap na isyu.

Sa kanyang social media pages ay makikita ang pagkasa niya sa pinakabagong “Cleopatra” trend.

Super pretty nga ng atake ni Ivana sa kanyang Cleopatra entry na in-upload nitong Martes, June 3.

At dahil no comment ang dalaga sa idinadawit na isyu laban sa kanya ay agad na lumaki ang engagements ng kanyang posts.

Baka Bet Mo: Xian Gaza nilaglag si Ivana Alawi, nakiusap para maibalik nawalang FB page

Ang iba ay tinatawag na “unbothered” si Ivana habang ang iba naman ay nang-uusisa sa isyu.

“Si Mayor nanonood char,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Iba ka talaga Ivana. Nagawa pa sumabay sa trend haha.”

“the unbothered Cleopatra, so ganda,” sey naman ng isa.

Chika naman ng isa, “I wonder what will happen to her [Ivana] career if proven to be involved in that issue.”

Matatandaang nasasangkot ngayon sa kontrobersiya ang aktres matapos madawit ang pangalan sa sworn complaint-affidavit na inihain ni Nikki Benitez laban sa asawang si Cong. Albee Benitez.

Ayon sa salaysay ay may relasyon si Ivana sa kanyang asawa.

Samantala, naglabas naman ng pahayag si Cong. Albee at dinenay ang akusasyon sa kanya ng asawa.

Read more...