Luis Manzano balik na sa hosting, ‘Rainbow Rumble’ babanderang muli
BALIK hosting na uli ang Kapamilya TV host na si Luis Manzano matapos itong mabigo na magwagi bilang Batangas vice governor noong nagdaang 2025 midterm elections.
Ilang araw matapos ang eleksyon, nagtanong ang TV host-actor sa kanyang Facebook followers kung ano sa kanyang tatlong shows ang nais nilang mapanood muli.
At ngayon nga sy kumpirmadong magbabalik na si Luis sa “Rainbow Rumble” kasama ang kanyang co-host na si Negi.
Pansamantalang nawala sa ere ang naturang show dahil naging abala siya sa kanyang pangangampanya.
Baka Bet Mo: Luis Manzano nag-react sa death hoax: Buhay na buhay pa po ako
View this post on Instagram
Sa kabila ng pagkabigo sa mundo ng politika, panalong-panalo naman si Luis sa mundo ng showbiz.
Bukod kasi sa pagbabalik ng “Royal Rumble” may chance rin ang dalawa pa niyang shows na “Minute To Win It” at “Kapamilya Deal or No Deal” na magbalik telebisyon.
Matatandaang bago pa man ang kanyang pagsabak sa pagtakbo bilang bise gobernador ng Batangas ay kaka-renew lang niya ng kontrata sa ABS-CBN.
Bukod sa mga game shows ay may mga product endorsements na rin si Luis na nakapila.
Kasabay naman ng pagbabalik ng TV host-actor ang pagbabalik sa pag-arte rin ng kanyang asawa na si Jessy Mendiola sa isang teleserye na pinagbibidahan ni Gerald Anderson.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.