PASAWAY pa rin pala ang aktres kaya binitiwan na siya ng kanyang management company na ikinataka namin dahil isa siya sa money maker ng kumpanya.
Dahil may pangalan at marunong naman talagang umarte ang pasaway na aktres kaya kinuha siya ng sikat na programa at in fairness nakaka-deliver naman siya.
Sa kabila ng mga papuri sa pasaway na aktres sa karakter niya sa sikat na programa ay may kuwentong hindi maganda sa likod nito.
“Diva pala ‘yan si (pasaway na aktres). Akala ng lahat mabait at masunurin kasi di pag kausap mo naman oo nang oo at magalang, pero diva pala,” kaswal na tsika ng aming source.
Baka Bet Mo: Pasaway na aktres tatanggalin na sa sitcom: Grabe! Sakit lang siya sa ulo!
May pinagagawang eksena sa kanya ang direktor na ilang beses silang nagtalo na hindi raw magagawa dahil may something daw siya.
“E, dahil ayaw gawin ang eksena hindi alam ni accla (pasaway na aktres) si direk nagtanung-tanong, nag imbestiga pati sa bago niyang manager at nabuking na inarte lang pala.
“Hayun tinalakan na ng husto, nakita niya kung paano magalit si direk na kabait-bait, e, tumaas ang presyon sa kanya.
“Halos lahat pinupuri si direk kasi hindi naman niya ipagagawa kung alam niyang hindi ikagaganda o ikapupuri mo ang eksena, hindi naman para sa kanya kundi para sa artista, e, inarte ang lola diva mo, e, di nakatikim,”kuwento ng aming source.
Kaya pala parang nabago na ang unang script dahil nairita ang direktor at ayon pa kapag ganyan ay markado na raw kay direk at kahit matagal na ay hindi na niya ito gustong maka-trabaho pa.
Ganu’n talaga stressful nan ga ang trabaho ng isang direktor gugustuhin pa ba niyang maka-work ang pasaway sa set niya?
Tinanong namin kung wala pa bang paramdam na papatayin na ang karakter ng aktres?
“Parang magtatagal pa lola diva mo kasi after siyang talakan ni direk, umayos at hindi na nagpapasaway, may mga hirit pa rin pero tolerable naman.
“Mabait naman kasi si direk kapag nakita niyng umayos na at tanggap ang pagkakamali may mga 2nd chances naman siya. Sana umayos tong si (pasaway na aktres) kasi parang wala naman siyang next project pagkatapos ng show, pahayag ng aming source.