Lala Sotto may nilinaw, nais lang magkaroon ng maayos na ugnayan sa SVOD

Lala Sotto
HABANG sinusulat namin ang balitang ito ay mainit pa ring pinag-uusapan sa social media at sa showbiz events ang tungkol sa pagpasa sa senado ng Senate Bill No. 2805 na palawigin ang online streaming platforms.
Pumalag ang Directors’ Guild of the Philippines Inc. (DGPI) at nagpalabas na rin ng official statement ang AKTOR na hindi rin sila pabor sa MTRCB Act lalo’t naghihingalo na ang movie industry na laging may agam-agam kung kikita ang mga pelikula kaya ang iba ay sa online streaming platforms.
May dagdag paliwanag naman si MTRCB Chairperson Lala Sotto-Antonio rito na pinost niya sa kanyang Facebook account kaninang hapon.
Aniya, “Layon lamang ng MTRCB na magkaroon ng direktang linya o contact sa mga online streaming applications nang sa gayon sa oras na may makatwirang alalahanin ang Pilipinong manonood ay matitiyak ng MTRCB na maagap itong maaksyunan o maresolba sa tulong ng mga SVODS.
Baka Bet Mo: Lala Sotto kumasa na rin sa direktiba ni PBBM, nag-resign na sa MTRCB
View this post on Instagram
“Ang nais naming gawin ay magkaroon ng maayos na pakikipag-ugnayan ang MTRCB bilang regulatory body sa ating mga Online Subscription Video on Demand Services (SVODs).
“Para nang sa gayon kapag may problema ito ay maidudulog namin kaagad sa kanila. Katulad ng complaints at concerns, mapag-usapan ng maayos.
“Yung may direkta kaming linya na hindi mahihirapan na paano ang gagawin namin, sino ang kakausapin?”
Wala naman daw censorship na magaganap sa online streaming platforms kundi child protection ang layunin ng SB 2805.
* * *
Binigyan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng rated R-16 (Restricted – 16) ang ika-limang pelikula mula sa John Wick franchise na “Ballerina.”
Tungkol ito sa istorya ni Eve Macarro, isang ballerina na naging assassin, na nag-ensayo sa ilalim ng tradisyunal na Ruska Roma para ipaghiganti ang ama nitong pinaslang.
Paalala ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio sa mga manonood:
“Ang mga pelikulang rated R-16 ay may tema at mga eksenang hindi angkop para sa mga batang edad 15 at pababa.”
Bukod dito ay may tatlong pelikula pa ang binigyan ng R-16: ang “Don’t Sleep,” isang Thai supernatural horror-thriller tungkol sa magkakaibigang hindi sinasadyang matawag ang isang masamang espiritu gamit ang isang Ouija board.
Ang “Holy Night: Demon Hunters,” isang South Korean action-horror tampok ang tatlong demon hunters na may kakaibang kapangyarihan at may tungkulin na protektahan ang Seoul mula sa di inaasahang kaguluhan.
At ang “The Crucifix: Blood of the Exorcist,” isang nakakapanindig-balahibong palabas tungkol sa mag-asawang minumulto ng masamang espiritu.
Habang ang animated na “Dan Da Dan: Evil Eye” ay rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) na ang ibig sabihin ay kinakailangan ng gabay ng magulang o nakakatanda sa mga manonood edad 12 at pababa.
Patuloy na tinitiyak ng Board na isusulong nito ang responsableng panonood sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop na klasipikasyon sa mga palabas para sa kapakanan ng pamilya at kabataang Pilipino
Samantala, nakapag rebyu naman ang MTRCB ng mahigit 10,000 na materyal nitong Mayo 2025.
Abot sa 10,534 na materyal ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) nitong buwan ng Mayo 2025, kabilang ang 9,740 na materyal mula sa programa sa telebisyon, 47 lokal at banyagang pelikula, 610 TV at movie trailers, 137 optical media at publicity materials.
Sinabi ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na, “Ang bilang ng mga nabigyan ng angkop na klasipikasyon ay hindi lamang basta numero kundi sumasalamin sa aming dedikasyon na protektahan ang mga manonood, partikular ang kabataang Pilipino, mula sa mga mapanganib at hindi angkop na palabas..
Patuloy namang tinitiyak ng Board na tinutupad nito ang kanyang mandato sa ilalim ng Presidential Decree No. 1986 na nagsisiguro ng angkop na klasipikasyon sa lahat ng isinumiteng materyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.