Mylene Dizon walang balak ipamana mga ari-arian sa mga anak


Mylene Dizon walang balak ipamana mga ari-arian sa mga anak

NANINDIGAN ang aktres na si Mylene Dizon na hindi niya pamamanahan ng solid properties ang kanyang dalawang anak na sina Tomas at Lucas.

Sa kanyang panayam sa broadcaster na si Bernadette Sembrano na mapapanood sa YouTube channel ng huli ay inamin niyang isa siyang disciplinarian pagdating sa mga anak.

“Kailangan e because I’m a single mom and I have to do both jobs, and I’m a mother of boys,” pagbabahagi ni Mylene.

Aniya, gusto niyang turuan ang mga anak na maging responsable at disenteng mga lalaki.

Baka Bet Mo: Bianca Umali super idol si Mylene Dizon: Para kaming pinagbiyak na bato!

“I’ve dated many men, ‘di naman gano’n kadami, but I’ve dated men and I know of some men who don’t know anything about life or don’t know how to navigate your life because they were too spoiled,” sey ni Mylene.

Dagdag pa niya, “So I don’t want my children to end up that way kaya ako disciplinarian kasi I want them to be maayos bago ko sila pakawalan.”

Chika pa ni Mylene, gusto niya na kapag nawala siya ay manatili ang lahat ng itinuro niya sa mga anak.

Hindi rin siya magpapamana ng mga ari-arian sa mga anak dahil nais niyang magkaroon ang dalawa sa sarili nilang sikap.

Ngunit giit ni Mylene, ang edukasyon ang tanging mapapamana niya sa mga anak.

“That’s the only thing I can give. Sige, I give them five million. What are they going to do with that if they don’t know what to do with it, to manage it, or how to handle it? ‘Yun lang kaya kong ibigay literally,” sey ng aktres.

Kahit nga ang kanyang beach house sa La Union ay hind ibibigay ni Mylene sa mga anak para matuto ang mga ito na magpursigi.

“Ano matututunan nila diyan? They will just run it through the ground if they don’t have proper education. Lahat inaral ko. Mag-welding, magkarpintero, magpinta, lahat ‘yan inaral ko kasi baka ako na lang mag-isa dito, ako na lang gumawa n’yan. I don’t know.”

“I keep on equipping myself with tools. I keep putting things in my toolbox and that I’m not going to pass that toolbox to my kids. I’m just going to guide them and let them learn on their own so they can fill their own toolboxes,” sabi pa ni Mylene.

Sa usapin ng pagiging kontento sa buhay ay aminado ang aktres na ok na siya kung anuman ang meron siya ngayon.

“I don’t want anything else. I’m able to provide. I’m able to give my children education my money can buy. Ano pa ang hihingin mo? Kahit ilang Chanel pa ‘yan, no. Do’n ako sa education nila,” ani Mylene.

Read more...