
Joross Gamboa, Kathryn Bernardo at Alden Richards
KUNG may isang tao raw na nakakaalam kung ano talaga ang nangyari sa pagitan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, yan ay walang iba kundi si Joross Gamboa.
Ayon sa mga chika, si Joross umano ang piping saksi kung anuman ang namagitan sa tambalang KathDen dahil siya ang palaging kasama ng mga ito noong magpunta sila sa Canada.
Doon kinunan ang halos kabuuan ng blockbuster movie nina Kathryn at Alden na “Hello, Love, Again” kung saan pinaniniwalaang nagkadebelopan nga any Box-Office King & Queen.
Sa grand mediacon ng latest primetime series ng GMA na “Sanggang Dikit FR” na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, nakachikahan ng BANDERA si Joross na isa sa mga cast members ng serye.
Dito nga natanong ang aktor tungkol sa KathDen – ano nga ba talaga ang nangyari at biglang nawala ang sinasabing ‘something” sa pagitan nila?
Sagot ni Joross, “Kapag nasa ibang bansa ako, bulag ako at bingi ako. Sa lahat sa showbiz, kumbaga, sa dami kong alam, ‘yung pandoras box, tinapon ko na sa malayo. Ha-hahaha!
“Pero yung sa akin lang, I’m not in the position to say anything about anyone. Unless sabihin nila, o sabihin ng ibang tao ang tunay na sitwasyon nila, ‘yun lang, taga-confirm lang ako.
“Sa sitwasyon ko, wala talaga. Nakatakip ang tenga ko! Nakapikit ang mga mata ko!” natatawa pa ring chika ni Joross.
Ano yung feeling niya noong kasagsagan ng sweetness nina Alden at Kathryn na inakala ng lahat na mauuwi sa totohanan ang kanilang love story at siya ang kinukulit ng mga fans.
“Naiintindihan ko naman, dahil talaga naman yung mga tao…ang ganda kasi ng istorya (ng HLA), na ‘yung FR or for reel to for real.
“Kasi nga ang story ng ‘Hello Love…’ parang ano…basta! Mahina ako sa spelling, eh! Ha-hahaha!” ang patuloy na pag-iwas ni Joross sa tanong
Sa tingin ba niya naging from reel to real nga ba ang relasyon ng KathDen? “Basta, kasi nga dahil sa ‘Hello Love Goodbye’ tapos nag-ano sila sa totoong buhay, tapos ginawa yung ano…
“Di ba nga, nagpadala ng flowers (si Alden kay Kathryn)!? Ha-hahaha!
“Alam n’yo, disclaimer lang, wala kayong makukuha sa akin. Ha-hahaha!” hirit pa ni Joross.
Sundot na tanong sa aktor, kailan ba sila huling nagkita nina Kathryn at Alden, “Huling nagkita sa burol ng lolo ni Alden.”
Tungkol naman sa group chat ng cast ng “HLA”, “Hindi ako masyadong nakaka-chat, eh. Iba kasi yung GC ng Hong Kong, iba yung sa Canada,” sagot ni Joross.
“Huling message yata, parang si Lovely (Abella) nag-invite,” saad pa ni Joross.
Samantala, ayaw pa ring i-claim ni Joross ang paniniwala ng marami na lucky charm siya ng mga pelikula at teleserye na ginagawa niya.
Kabilang na nga riyan ang “Hello Love Goodbye” at “Hello Love Again” ng KathDen ng bilyones.
“Seryoso naman ang sagot ko, na hindi ako naniniwala na lucky charm ako. Mas naniniwala ako na blessed ako. Na napapasama ako sa mga magagandang proyekto talaga.
“Wala akong kinukuhang credit or anything, kasi magaganda naman `’yung mga palabas na nasasamahan ko.
“Like ngayon sa series nina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, ang ‘Sanggang Dikit FR’ na suwerte ako na nakasama ako. Na nag-add lang ako ng flavors. Pero team effort kasi talaga.
“Pero nakakatuwa kapag sinasabi nila `yon sa akin, kaya lang alam ko talaga na hindi ako `yon, eh,” hirit ni Joross.