PBBM ipinahahanap mga estudyanteng nag-wacky sa Palarong Pambansa

Bongbong Marcos at ang mga estudyanteng nag-wacky habang nagtatalumpati ang Pangulo
IPINAHAHANAP ngayon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang ilang female students na nag-viral habang nagtatalumpati para sa opening ng naganap na “Palarong Pambansa”.
Nakarating na sa presidente ang naturang video clip kung saan mapapanood ang mga babaeng student athletes na nag-wacky nang magbigay siya sa speech sa naturang sports event sa Pilipinas.
Pero in fairness, hindi naman nagalit si PBBM sa mga atleta sa halip ay natawa at naaliw pa ang pangulo sa mga babaeng estudyante.
“Nu’ng opening ceremony ng Palarong Pambansa, ay may mga kabataang atleta sa likod ko habang ako’y nag-speech, kung anu-anong mga mukha ang kanilang ginawa,” ang chika ng Pangulo.
“Iyan yata ‘yung mga uso sa TikTok ngayon,” aniya pa.
Kasunod nito, tinawagan at kinausap daw ni PBBM ang kanyang anak na si Cong. Sandro Marcos para hanapin ang mga naturang estudyante.
“Cong. Sandro, baka puwede natin mahanap itong mga batang ito, para makilala naman natin.
“Shout out naman diyan sa mga kabataan!” ang natatawang hirit ni PBBM.
Samantala, ibinida rin ng Pangulo sa kanyang vlog ang mga proyektong nagawa ng kanyang administrasyon na tinatawag ngayong “Bagong Pilipinas.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.