Paulo may bagong project sa ABS-CBN, si Kim pa rin kaya ang leading lady?

Paulo Avelino at Kim Chiu
ABANGERS na ang mga fans ng award-winning Kapamilya actor na si Paulo Avelino sa susunod na project niya sa ABS-CBN.
Yes! Nananatili pa ring loyal Kapamilya si Paulo matapos itong ibandera sa madlang pipol ng Star Magic kamakailan.
Tiyak na muling mapupukaw ni Paulo ang damdamin ng maraming manonood dahil nakatakda siyang bumida sa isang kaabang-abang na teleserye ng ABS-CBN.
Mula sa kanyang husay sa pag-arte at misteryosong awra na kinakikiligan ng fans, patuloy na binibigyang-buhay ni Paulo ang iba’t ibang karakter na tumatatak at nagmamarka sa puso ng mga Pilipino.
Tuluy-tuloy din ang pagkilala kay Paulo bilang magaling na artista dahil sa mga seryeng pinagbidahan niya na pumatok hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo.
Kabilang na nga riyan ang “Linlang,” kung saan nanalo siya bilang Best Actor sa 2024 TAG Awards Chicago, ang Philippine adaptation ng Korean hit series na “What’s Wrong With Secretary Kim,” “Flower of Evil,” “The General’s Daughter,” at marami pang iba.
View this post on Instagram
Meron na rin siyang mga Best Actor award mula sa Gawad Urian at Metro Manila Film Festival.
Kamakailan din ay bumida si Paulo sa box-office hit movie na “My Love Will Make You Disappear” kasama ang kanyang leading lady na si Kim Chiu.
Bukod sa pagiging artista, na-eenjoy din ni Paulo ang trabaho sa likod ng kamera bilang isang ganap na producer para sa ilang mga serye at pelikula.
Samantala, ang nagkakaisang tanong ng mga fans, si Kim pa rin kaya ang magiging partner ni Paulo sa next project niya sa Kapamilya Network? Yan ang ating abangan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.