Sylvia Sanchez pumayat nang bongga; bilib sa kaseksihan ni Mega

Sylvia Sanchez pumayat na nang bongga; bilib sa kaseksihan ni Sharon

Ervin Santiago - June 12, 2025 - 06:00 AM

Sylvia Sanchez pumayat na nang bongga; bilib sa kaseksihan ni Sharon

Sylvia Sanchez, Alemberg Ang at Sharon Cuneta

KARIR kung karir ngayon sa pagpapapayat at pagpapaka-healthy ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez.

Masayang ibinalita ng Kapamilya star at film producer na malaki-laki na ang nabawas sa kanyang timbang mula nang seryosohin niya ang pagpapapayat.

Nakachikahan ng BANDERA si Sylvia at ng ilan pang miyembro ng entertainment media recently fresh from 78th Cannes Film Festival kung saan rumampa nga siya sa red carpet para sa Nathan Studios entry “Renoir” na nakatanggap standing ovation mula sa audience.

Kapansin-pansin na ang pagpayat ni Sylvia sa mga litrato niya na kuha sa red carpet ng 78th Cannes kung saan inirampa niya ang creation ni Michael Leyva.

Ayon sa aktres, feeling mas “energized and youthful” daw siya ngayong pumayat na siya, “Two months akong nagseryoso. Ayan, maluwag na (suot na pantalon). Gusto ko pang pumayat,” chika ni Ibyang.

Aminado ang seasoned actress na napakahirap kontrolin ang kanyang eating habits, lalo na kapag nasa ibang bansa siya na may masasarap na lafang.

“Mahirap mag-diet lalo na kasi ang dami kong ganap at trips abroad at kung saan-saan. ‘Yung mga pagkain, ‘di ba? Ang hirap mag-control.

“Parang kinakawayan ako ng mga pagkain lalo nu’ng pumunta kami ng Rome. Nu’ng nasa Cannes ako, mas payat ako nu’n. Nag-gain ako ng five pounds kasi kain ako nang kain,” natatawang chika pa ni Ibyang.

Sabi pa ng nanay nina Cong. Arjo Atayde, Ria at Gela Atayde tungkol sa kanyang weight loss journey, “Ang hirap na kasing yumuko. Tsaka, sabi ko, pupunta ako ng Cannes at sa iba pa, so gusto ko naman mag-gown nang maganda at maayos tingnan.”

Pagpapatuloy pa niya, “135 pounds ang target pero tumatanda na ako, 50 na ako, eh. Pero ayoko naman ng surgery. Takot ako riyan. Huwag, sobra. Doon tayo sa tama. Tama lang na nakasuot ako ng gown sa Cannes.”

Tinanong namin si Sylvia kung ano ang reaksyon niya sa sobrang pagpayat ngayon ni Megastar Sharon Cuneta na parang teenager na uli ang shape ng body.

“Nakakabilib si Megastar sa pagpayat. Hindi ko kakayanin ‘yun. Mahina kasi ang disiplina ko sa pagkain. Weakness ko ang pagkain. Kapag napapagod ako, pagkain talaga. Hirap na ako nito pero kakayanin pa. Tuluy-tuloy lang at slowly,” sey ni Ibyang.

Samantala, inalala naman ni Sylvia ang naging experience nila ni Alemberg Ang, ang co-producer ng Japanese film “Renoir” sa Cannes 2025 kung saan nakita niya up-close and personal ang mga Hollywood stars na sina Elle Fanning, James Franco, Jeremy Strong, Halle Berry, at Cate Blanchett.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“So, ‘di ba lahat naman, kahit sino, wish or dream na maka-attend sa Cannes kasi ‘yan ‘yung pinakamalaking film festival sa buong mundo.

“So, siyempre, lahat ng artista, Hollywood, o kahit saan, nangangarap din na makapunta, magka-award, mag-red carpet.

“Ako, red carpet lang, okay na ako. So, kaya nung in-offer sa akin na ganito, ‘Sige. Why not?’ Baka makapag-red carpet ako and at the same time, mga connection, makikilala ka roon as filmmaker, hindi nga artista, eh.

“So, ngayon, ang nangyari, natupad ‘yun ngayon. So, hindi ako nagkamali na mag-trust kay Alem, na mag-trust sa grupo. So, ‘yun ‘yung umpisa namin. Sana, hoping kami, may mga susunod. Next year, mayroon na naman kami for next year,” sey ng aktres at producer.

Very proud din si Sylvia sa anak na si Ria na hands on din sa operasyon ng Nathan Studios kabilang na nga ang pagpo-produce ng “Renoir” kung saan nakasama rin nila bilang executive producer sina Keisuke Konishi, Eiko Mizuno-Gray, Mizue Kunizane, Masahide Kinoshita, Eitaro Kobayashi, at Fran Borgia.

“Siya ang CEO ng Nathan Studios. Active siya ngayon kasi nakapanganak na. Eight months na ‘yung anak niya. Active na siya. Unlike nung buntis talaga, hindi,” sey ni Sylvia patungkol sa anak.

“Si Ria ngayon ang nag-aayos. Let’s say sa mga stages din sa shooting. Nariyan siya. Ngayon, nakakutok siya talaga sa ‘I’m Perfect,’” sabi pa ng aktres.

Ang “I’m Perfect” ang latest project ngayon ng Nathan Studios na pagbibidahan ng mga batang may Down syndrome na plano nilang ilaban sa Metro Manila Film Festival 2025.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang isa pa nilang pelikula na “Moonglow” na pinagbibidahan ni Cong. Arjo ay isasali naman sa isang international film festival.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending