‘Lilim’ ni Heaven pasok sa 2025 New York Asian Film Festival

‘Lilim’ ni Heaven Peralejo pasok sa 2025 New York Asian Film Festival

Pauline del Rosario - June 13, 2025 - 10:13 AM

KUMAKAWAY na papuntang Big Apple si Heaven Peralejo matapos mapili ang kanyang horror film na “Lilim” bilang isa sa mga opisyal na kalahok sa prestihiyosong New York Asian Film Festival (NYAFF) 2025!

PHOTO: Instagram/@heavenperalejo

KUMAKAWAY na papuntang Big Apple si Heaven Peralejo matapos mapili ang kanyang horror film na “Lilim” bilang isa sa mga opisyal na kalahok sa prestihiyosong New York Asian Film Festival (NYAFF) 2025!

Masayang ibinahagi ng aktres ang balita sa kanyang Instagram Story nitong Huwebes, June 12, kung saan ibinandera niya ang art card ng pelikula na may tatak ng NYAFF.

“So excited to go to New York!” caption niya sa post na ramdam ang kanyang excitement.

Baka Bet Mo: Heaven Peralejo may rebelasyon sa naging relasyon kay Jimuel Pacquiao

‘Lilim’ ni Heaven Peralejo pasok sa 2025 New York Asian Film Festival

PHOTO: Instagram Story/@heavenperalejo

Ang NYAFF ay gaganapin mula July 11 to 27, at tampok nito ang mahigit 100 pelikula.

Bagama’t dati na siyang tumampok sa mundo ng thriller sa pelikulang “Nanahimik ang Gabi” kasama si Ian Veneracion, ibang klase ang ibinibida ni Heaven ngayon lalo na’t first time niyang sumabak nang todo sa genre ng horror sa “Lilim.”

Sa pelikula, ginagampanan ni Heaven ang papel ni Issa, na kasama ang kanyang kapatid ay unti-unting nadidiskubre ang mga kababalaghang bumabalot sa ampunang kanilang kinalakihan.

At hindi lang ito basta pasok sa festival dahil matagumpay na ngang tinanghal si Heaven bilang Best Actress para sa papel na ito sa Jinseo Arigato International Film Festival noong nakaraang buwan!

Hindi rin nagpapahuli ang direktor ng pelikula na si Mikhail Red, na kinilala bilang Best Director.

Kasama rin sa cast ng “Lilim” sina Eula Valdez, Ryza Cenon, Mon Confiado, at Gold Aceron.

Samantala, naging usap-usapan recently ang kumakalat na chikang hiwalay na sila ng boyfriend na aktor na si Marco Gallo.

Ito ay matapos mapansin ng ilang Marites na naka-unfollow si Heaven kay Marco sa Instagram.

Maliban pa diyan ay kapansin-pansin na burado na ang ilang sweet photos ng dalawa.

Ngunit as of this writing, naka-follow pa rin ang aktor sa dalaga at visible pa ang mga pictures nila sa kanyang account.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nag-ugat ang kanilang love story noong 2017 nang magsama sila bilang housemates sa “Pinoy Big Brother: Lucky Season 7.”

Muling nagtagpo ang kanilang landas noong 2023 para sa hit mini-series na “The Rain in España,” at naging opisyal ang kanilang relasyon matapos ang palitan nila ng “I love you’s” sa social media noong November 2024.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending