Aktres naudlot ang indie project dahil nagkulang sa budget

Aktres naudlot ang pagbibidahang indie movie dahil nagkulang sa budget

Reggee Bonoan - June 13, 2025 - 06:40 AM

Aktres naudlot ang pagbibidahang indie movie dahil nagkulang sa budget

PANSAMANTALANG hininto muna ang shoot ng indie movie ng aktres dahil nag-over shoot daw kaya kinulang sa budget.

Nalungkot ang ilang artistang kasama sa indie movie dahil sa kagustuhang suportahan ang aktres ay marami silang tinanggihang project para lang i-accommodate ang pelikula tapos nahinto pa.

“Stop daw muna kami, hahanapan pa ng budget kasi nag-over shoot. ‘Yung director daming gustong gawin. Actually, may kulang pa nga sa tf (talent fee) namin ‘yung producer pero nangako naman ibibigay kaagad this month,” sey ng isa sa aktor na kasama sa pelikula.

Sa pagkakaalam namin ay noong nakaraang taon pa ito pinlano at nakapagsimula na nga, pero nahinto dahil may mga hindi tugma sa schedules ng major cast.

Baka Bet Mo: Enchong marunong nang magtipid at mag-budget, nabili ang mga kailangan sa bahay sa halagang ₱625: May bonus pang dessert!

“Tsaka magastos din kasi ‘yung movie, sabi indie pero parang hindi naman indie ang budget. Dami kasing hinihingi nu’ng direktor,” tsika pa ng aktor.

Dagdag pa, “Ako nga sinubukan kong tanungin ‘yung direktor do’n sa project na tinanggihan ko kung puwedeng habol pa o baka may iba silang kailangan, wala na raw at may out of the country sila shoot pa sila. Nakakahinayang din naman, pero ganu’n talaga.”

Sobrang suportado ng mga kasamang artista ang bidang aktres sa indie movie dahil kaibigan nila ito at malalim na ang naging samahan nila.

Ang nakakatuwa habang kausap namin ang artistang kasama sa indie movie ay biglang tinawagan siya ng manager niya at may offer daw na TV series.

Kaya ang saya-saya ng aktor ngayon dahil may kapalit agad ang pinahintong project at higit sa lahat ay mahalaga ang role niya sa series.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending