Bea Alonzo, Vincent Co magkasamang bumati sa b-day ni Bong Go

Bea Alonzo, Vincent Co magkasamang bumati sa b-day ni Bong Go

Pauline del Rosario - June 16, 2025 - 11:11 AM

Bea Alonzo, Vincent Co magkasamang bumati sa b-day ni Bong Go

PHOTO: Facebook/Bong Go

KAHIT hindi pa umaamin sa totoong estado ng kanilang relasyon, todo pa rin sa public sightings ang rumored couple na sina Bea Alonzo at Vincent Co.

At ang pinakabago nga ay nang bumati sila via video call sa kaarawan ni Senator Bong Go nitong June 14.

Sa isang Facebook post, ibinandera ng senador na nakatanggap siya ng birthday video greeting mula sa aktres at negosyante, kasabay ng ilang larawan kasama ang dalawa.

Isa sa mga picture ay tila kuha sa isang masayang get-together kasama ang dalawa.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo suportado ni Vincent Co sa negosyo, spotted sa 1st day ng warehouse sale

“Thank you very much to my idol, Vincent Co, and Bea Alonzo for greeting me on my birthday,” bungad sa caption ni Sen. Bong.

Mensahe pa niya, “Thank you very much to the Filipinos who sent me a greeting. I love you all very much.”

Until now, wala pa ring kumpirmasyon mula sa rumored couple kung sila nga ba ay opisyal nang mag-dyowa.

Magugunitang unang umugong ang tsismis tungkol sa kanila nitong Mayo matapos mapansin ng mga netizens na parehong-pareho ang ilang photos na ina-upload nila sa kani-kanilang social media accounts.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa sa mga viral shots ay ‘yung magkasama silang naglalakad palayo sa camera na sinasabing kuha mula sa private Instagram account ni Vincent.

Simula noon, ilang ulit na rin silang namataan na magkasama sa iba’t ibang events kabilang na ang isang Puregold Convention sa Pasay City, isang intimate gathering kasama ang malalapit na kaibigan, isang suppliers’ event, at ang BASH Warehouse Sale.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending