Kyline Alcantara humugot: Always choose yourself, bago ibang tao

Kyline Alcantara, Barbie Forteza at Ruffa Gutierrez
“IKAW muna, bago ang ibang tao!” Ito ang makahulugang pahayag ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara tungkol sa mga naging hugot niya sa kanyang personal life.
Muling nakachikahan ng ilang members ng entertainment media si Kyline sa naganap na grand media launch ng latest GMA series na “Beauty Empire” kung saan makikipagbardagulan siya sa lead star nitong si Barbie Forteza.
Makakasama rin nila sa naturang serye na napapanood na ngayon sa Viu Philippines, ang seasoned actress at dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez.
Sa isang bahagi ng presscon, natanong sina Kyline at Barbie kung ano ang ilang life lesson na natutunan nila kay Ruffa na napakarami na ring pinagdaanang pagsubok sa buhay ngunit nananatiling matatag at palaban.
Sagot ni Kyline, “Always choose yourself. Ikaw muna, bago ‘yung ibang tao. Yun yung palagi niyang advice sa akin, actually hindi lang sa akin, sa aming dalawa ni Barbie.”
Dugtong pa ng ex-girlfriend ni Kobe Paras, “And every time you get lost, palagi mo lang hanapin mo ang sarili mo.”
View this post on Instagram
In fairness, mas lalong gumanda at sumeksi si Kyline ngayon at wala kang makikitang bakas sa kanyang itsura at pananalita na dumaan muli siya sa napakasakit na breakup.
Hindi man nagsalita ang dalaga tungkol sa hiwalayan nila ni Kobe ay mukhang naka-move na siya agad sa kanyang past relationship.
Samantala, proud na proud si Kyline sa pinakabago niyang serye sa GMA, ang “Beauty Empire” kung saan natupad nga ang pangarap niyang makatrabaho ang Kapuso Prime Drama Princess na si Barbie Forteza.
Magkaibigan sa tunay na buhay ang dalawang aktres pero matinding bardagulan ang mapapanood ng kanilang mga fans sa “Beauty Empire” na kasalukuyan nang napapanood sa Viu PH kung saan ipinalabas na kagabi ang episode 2.
Ang “Beauty Empire” ay bonggang collaboration ng tatlong powerhouse production sa media industry – GMA Network, Viu at CreaZion Studios.
Iikot ang kuwento ng serye kay Noreen Alfonso (Barbie), a rags to riches beauty entrepreneur na handang pabagsakin ang mga kaaway.
She goes head-to-head against Shari De Jesus (Kyline), a crass but social media famous beauty CEO na mentored by Velma Imperial (Ruffa Gutierrez) na idolo ni Noreen sa mundo ng pagpapaganda.
“Ang istorya po namin ay punung-puno ng puso at pagmamahal sa pamilya. With fashion and beauty at its core, we will tackle murder mystery, love for family, and revenge,” pahayag ni Barbie.
Hinding-hindi rin daw niya makakalimutan ang naging experience nila habang nagte-taping ng ilang mahahalagang eksena sa South Korea.
“Sobrang saya. Challenging siyempre kasi unfamiliar territory, so hindi siya as comfortable as when we shoot here in the Philippines.
“Pero masaya kasi first of all, lahat talaga very efficient,” ani Barbie.
Magsisimula na ang pagrampa ng “Beauty Empire” sa July 7 sa GMA Prime, mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m..
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.