Shuvee Etrata may sariling ‘TDH’, bagay kay Anthony Constantino

Shuvee Etrata may sariling version ng ‘TDH’ sa katauhan ni Anthony Constantino

Therese Arceo - June 19, 2025 - 07:28 PM

Shuvee Etrata may sariling version ng ‘TDH’ sa katauhan ni Anthony Constantino

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nakaka-move on ang mga netizens sa ginawang pagsundo ng Sparkle artist na si Anthony Constantino sa latest Kapuso evictee na si Shuvee Etrata ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab”.

Marami nga ang nangangantyaw sa mga netizens dahil talaga namang napakapogi ng binata at bagay na bagay sila.

Para sa mga hindi aware, si Anthony ang rumored boyfriend ni Shuvee bago pa ito pumasok sa Bahay ni Kuya.

Kaya naman marami ang kinilig dahil hindi lang ang mga close friends ng dalaga ang present dahil sinalubong rin siya ng binata with flowers.

Baka Bet Mo: Shuvee Etrata nag-sorry sa pamilya matapos um-exit sa PBB: ‘Wala pa rin tayong bahay’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kaya naman kahit nabigo na mapabilang sa Big 4 ay waging-wagi pa rin daw si Shuvee dahil panalo ang kanyang lovelife.

Chika nga ng iba, “natalo man sa boto ng taumbayan, panalo naman sa lovelife”.

May mga nagsasabi pang big winner na si Shuvee at ang kanyang premyo ay si Anthony.

Hirit naman ng iba, mayroon daw sariling version ng “TDH” ang dalaga.

Matatandaang nag-viral ang video ni Shuvee habang kausap niya sa confession room si Big Brother kung saan inusisa siya tungkol sa naging celebrity houseguest na si Donny Pangilinan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inamin ng dalaga na si Donny ang kanyang celebrity crush dahil kuhang kuha nito ang “Tall, Dark, and Handsome” at may substance kapag nakikipag-communicate.

May mga fans ng DonBelle ang hindi nagustuhan ang pagiging vocal ni Shuvee sa pagkagusto sa binata ngunit kalaunan ay napag-alaman nila na may naiwan itong manliligaw sa outside world at ito nga ang Filipino-American model at kapwa Sparkle artist na si Anthony.

Hindi pa naman nililinaw ng dalawa kung kumusta na ang lagay sa pagitan ng dalawa ngayong nasa outside worlf na ang dalaga dahil ayon sa kanya, never pa siyang nagkakaroon ng karelasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending