Gardo sa litrato nila nina Nora, Cherie: Mukhang ako na ang next

Gardo Versoza sa litrato nila nina Nora at Cherie Gil: Mukhang ako na ang next

Ervin Santiago - April 21, 2025 - 12:15 PM

Gardo Versoza sa litrato nila nina Nora at Cherie Gil: Mukhang ako na ang next

IKINALOKA ng mga netizens ang ipinost sa social media ng seasoned actor na si Gardo Versoza tungkol sa pagpanaw ng Superstar na si Nora Aunor.

Iba’t iba ang naging reaksyon ng mga  nakabasa sa Facebook post ni Gardo kalakip ang litrato niya kasama si Ate Guy at ang yumao na ring premyadong aktres na si Cherie Gil.

Kung hindi kami nagkakamali kuha ang nasabing litrato sa isang eksena nila sa  Kapuso series na “Onanay” na ipinalabas noong 2018. Ito’y pinagbidahan ni Jo Berry.

Ang mababasa sa caption na isinulat ni Gardo sa kanyang FB post, “Mukhang ako na ang next ah (horror emojis).” Na ang ibig sabihin ay baka siya na raw ang susunod na mamaalam dahil nga sumakabilang-buhay the pareho ang dalawang aktres.

Baka Bet Mo: Gardo iwas muna sa politika: Mahirap, baka mailigpit ako bukas…

Sigurado kaming joke-joke lang ito ni Gardo na kilala talaga sa showbiz bilang mapagbiro. May mga netizens na natawa lang sa post ng aktor pero may mga na-off at nabahala rin dito.

Parang hindi raw magandang biro ang ipinost ni Gardo at baka raw biruin siya ng tadhana at bigla rin siyang kunin ni Lord dahil parang minanifest daw niya ang kanyang kamatayan.

Lalo pa nga’t inatake siya sa puso noong 2023 at sumailalim sa angioplasty procedure dahil sa mga baradong ugat sa kanyang puso.

Narito ang ilang comments na nabasa namin sa FB post ni Gardo.

“Wag ganun Mader Cupcake. Aabot ka pa ng 100 year old. Be healthy always.”

“Wag naman po sana… mag titiktok pa kayo ni Bagani Sid lucero.”

“Mabubuhay ka nman pag gabi machete ka eh.”

“Pray, stay safe, and healthy.”

Huuuuy wag ganun idol. Mahal ka ni Lord. Madami ka pa daw projects ba gagawin.”

“Lumampas n sayo si kamatayan kasi muntik kna mauna sa knila pero nkasurvive k kaya matagal n uli ang ikot ni kamatayan.”

“Wag ganyan idol, bata ka pa. Ikatok mo sa kahoy.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Uy, wag po ganyan…madami ka pa mapapasaya na mga tao. Ingat po palagi at nagkataon lang po iyan.”

Nauna nang nakiramay si Gardo sa mga naulila ni Ate Guy at nagbigay din ng maikling mensahe. Aniya sa kanyang social media post, “Paalam mare…hanggang sa muli.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending