Nora, Vilma magsasama sana sa isang bonggang project, pero...

Nora Aunor, Vilma Santos magsasama sana sa isang bonggang project, pero…

Ervin Santiago - May 26, 2025 - 12:20 AM

Nora Aunor, Vilma Santos magsasama sana sa isang bonggang project, pero...

Nora Aunor, Vilma Santos, RS Francisco at Sam Verzosa

MULING pinatunayan ng aktor at negosyanteng si RS Francisco kung gaano kabait at ka-generous ang namayapang Superstar na si Nora Aunor.

Bago nagsimula ang special celebrity screening ng tribute film para kay Ate Guy, ang “FANEY”, ay nagkuwento muna si RS tungkol sa unang pagkikita nila ng National Artist ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Naganap ito last May 21, mismong 72nd birthday ni Ate Guy, sa Cinema 11 ng Gateway 2 Mall na dinaluhan ng kanyang mga anak na sina Ian de Leon at Kenneth de Leon.

Bida sa movie ang premyadong aktres at direktor na si Laurice Guillen na gumaganap bilang diehard Noranian. Kasama niya rito sina Gina Alajar, Bembol Roco, Perla Bautista at Althea Ablan, mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr..

Ang Frontrow, na pag-aari nina RS Francisco at Sam Versoza, ang isa sa producers ng “FANEY.” Naichika nga ni RS kung bakit agad-agad siyang pumayag na iko-produce ang movie.

“Hindi ko siya (Ate Guy) matalik na kaibigan. Nakasama ko lang siya. Naalala ko, way back noong ’90s. Inutusan lang ako na sunduin siya sa bahay niya sa La Vista.

“Nanghiram ako ng kotse para sunduin ang isang Superstar. Isang karag-karag na kotse,” simulang pagbabahagi ni RS.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Wala raw kaarte-arte sa katawan si Nora Aunor nang sunduin niya, “Paglabas niya ng bahay sa La Vista, hindi siya nagtanong kung sino ako. Ano’ng credentials ko.

“Ang sinabi lang niya, ‘Ikaw po ba ang susundo sa akin?’ Hindi niya tinanong kung maganda ang kotse ko, sumakay lang siya.

“At habang lumalabas kami ng La Vista, umilaw yung gas (ng sasakyan), empty na. Sabi ko, magpa-gas muna kami sa gasoline station, tabi ng simbahan. So, nagpa-gas ako. E, yung kotse, walang tint.

“Merong mga bata nagbebenta ng sampaguita. Sumilip, sumigaw, ‘Si Nora Aunor!’ Wala pang two minutes, kinukuyog na yung karag-karag na kotse.

“Ang initial reaction ko po, paandarin, bayaran, umalis dahil nagkakagulo yung mga bata. Pero ang sabi sa akin ni Nora, ‘Kuya…’ Hindi niya kasi ako kilala. ‘Kuya, huwag ka munang aalis, ha?

“Bumaba siya ng kotse. Pinapila niya lahat ng mga bata, at dumukot siya ng wallet niya. At gamit yung pera niya, binigay niya lahat ng pera niya. Beinte, singkuwenta, isang daan.

“At ako po mismo ang nakakita kung gaano ka-selfless ang isang Superstar. Hindi niya tinigil ang pagbigay ng pera hangga’t di naubos yung laman ng pitaka niya.

“At mula nun, dun ko na-realize kung bakit ang dami sa buong mundo na nagmamahal sa kanya.

“Kaya isa itong project na ‘to, salamat Direk Adolf Alix at binigyan mo kami ni SV ng pagkakataon, along with Cecille Bravo and Attorney Aldwin, na magawa itong FANEY,” tuluy-tuloy na chika ng actor-entrepreneur.

Samantala, noong 2019 daw, bago mag-pandemic, balak na raw kunin ng Frontrow sina Nora at Vilma Santos para sa isang ad campaign.

“Kausap na po namin sila parehas, nagkaroon lang ng pandemic. Sayang. So sana, kahit dito (sa tribute film), makabawi man lang kami para sa ating Superstar,” aniya.

Nakausap daw ni RS si Direk Adolf tungkol sa tribute film para kay Nora, “Noong mabalitaan ko po na pumanaw na ang ating minamahal na Superstar, nasa ibang bansa po ako.

“Wala po akong way na makauwi kasi marami pong naka-schedule nung linggong yun.

“Pero habang nanonood po ako ng Live nila sa Facebook, napapaisip ako, ‘Paano ako makakabawi sa ating National Artist?’ At tamang-tama, si Direk Adolf na nakatrabaho ko na dati po sa ‘Misterio dela Noche’, nag-message sa akin kung gusto ko raw makipagkita pag-uwi ko sa Pilipinas at pag-uusapan namin ang pelikula tungkol sa mga fan ni Nora Aunor.

“Hindi na ako nagdalawang-isip. Alam ko na noong mga panahon na yon, busy ang partner ko na si SV sa pangangampanya (tumakbong mayor ng Maynila). Kaya hindi ko na siya tinawagan. Sinabi ko kay Adolf, ‘Sige, meet tayo.’

“Pag-uwi na pag-uwi ko noong umaga, hapon, nag-meet na kami. Pag-meet ko sa kanya, nagkuwento siya. Pero ibang pelikula ang kinukuwento niya, ibang artista, ibang istorya. Tapos, hinintay ko.

“Sunod, nagkuwento na naman siya, iba na namang pelikula, iba na namang artista. Sabi ko, ‘Direk, itigil mo yan, gusto ko yung Nora. Ikuwento mo sa akin yung fan ni Nora.’

“Sabi ko, ‘Kalimutan natin ang first two. Yung istorya mo sa fan ni Nora, go na yan. ‘Gawin na natin yan para sa nagmamahal sa National Artist natin, sa buong mundo. Gawin natin yan.’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“‘Yan ang legacy project natin kasama si SV sa movie na ‘to,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending