Carlos Yulo muling nagwagi ng gold medal sa Asian Gymnastics Championship
BACK in his element muli ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo matapos makamit ang gintong medalya sa floor exercise category sa 2025 Artistic Gymnastics Asian Championships nitong Sabado, June 7.
Nanguna ang atleta sa walong finalists matapos siyang magkamit ng score na 14.600.
Sumunod kay Carlos ang pambato ng Kazakhstan Milad Karimi na nagkamit ng 14.400.
Pumangatli naman sa pwesto ang pambato ng South Korea na si Moon Geonyoung na may score na 14.033.
Baka Bet Mo: Chloe San Jose gustong gawing ‘private’ ang kasal nila ni Carlos Yulo
View this post on Instagram
Para sa mga hindi aware, ikaapat na taon na ni Carlos na nag-uuwi ng gintong medalya mula sa naturang category sa Asian championships.
Unang siyang nagwagi ng gold medal para sa floor exercise noong 2022 na nasundan pa noong 2023 at 2024.
Sasabak pa sa laban si Carlos para sa vault, horizontal bar, and parallel bars finals sa Linggo, June 8.
Bukod sa gold medal, nasungkit rin ng tinaguriang “Golden Boy” ng Pilipinas ang bronze medal para sa individual all-around noong Huwebes, June 5.
Samantala, marami naman ang nang-intriga sa napanalunang bronze ni Carlos noong Huwebes at sinasabing baka ‘karma’ ito dahil sa isyu niya sa kanyang pamilya.
Ngunit pinatunayan naman niya na hindi pa rin kumukupas ang galing matapos masungkit ang gold medal sa floor exercise category.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.