Chella Falconer nagsalita sa isyu kay Tom Rodriguez

Chella Falconer sa isyung siya ang partner ni Tom Rodriguez: ‘Stop spreading rumors!’

Pauline del Rosario - June 07, 2025 - 08:48 AM

Chella Falconer sa isyung siya ang partner ni Tom Rodriguez: 'Stop spreading rumors!'

Chella Falconer, Tom Rodriguez with family

NAGSALITA na ang Miss Universe Philippines Cebu Province 2025 candidate na si Chella Falconer matapos siyang madamay sa kumakalat na chismis.

Usap-usapan kasi sa social media na siya umano ang bagong non-showbiz partner ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez.

Sa isang Facebook post, nilinaw ni Chella ang isyu at nanawagan sa publiko na tigilan na ang pagpapakalat ng maling impormasyon.

“Hi everyone! Just to clarify, I’m not Tom Rodriguez’s girl, so please let’s stop spreading false rumors,” caption niya.

Baka Bet Mo: Tom Rodriguez feeling lucky sa pagiging hands-on tatay kay Baby Korben

Kasunod niyan ang isa pang post na may pasimpleng biro para sa mga Marites, pero pinasalamatan din ang mga taong dinedepensahan siya.

“Sobrang Marites na talaga ang mga tao ngayon, nababaliw na hahaha. Laban lang kayo diyan!” bungad niya sa salitang Bisaya.

Dagdag pa ng beauty queen, “Gusto ko lang magpasalamat sa mga taong kahit hindi ko pa sinasabi, alam na nila ang totoo. Salamat sa pagtatanggol sa akin! Totoong kaibigan kayo [red heart emoji].”

Tila nagsimulang ma-link si Chella kay Tom dahil sa kanilang magkasunod na posts na kung saan ibinandera ng beauty queen ang pagiging first time mom, habang ibinida naman ng aktor ang family picture na hindi kita ang mukha ng kanyang mag-ina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nauna nang iginiit ni Tom na hindi niya itinatago ang kanyang asawa at anak sa publiko bagkus nais lamang niya itong protektahan.

Matatandaan noong November last year nang ibinalita ng celebrity dad ang pagkakaroon niya ng anak na si baby Korben sa isang non-showbiz partner for two years.

Samantala, para sa mga hindi nakakaalam, si Chella ay naging pambato sana ng Cebu Province sa MUPH 2025 pageant, ngunit noong Abril ay opisyal niyang inanunsyo ang kanyang pag-atras mula sa kompetisyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending