ALAMIN: Top 20 Traffic Violations ng MMDA at katumbas na multa

ALAMIN: Top 20 Traffic Violations ng MMDA at katumbas na multa

Pauline del Rosario - June 07, 2025 - 10:31 AM

MMDA ibinandera ang Top 20 Traffic Violations, katumbas na multa

INQUIRER file photo

INILABAS ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang listahan ng Top 20 traffic violations at ang katumbas na multa sa bawat paglabag.

Ito ay sa gitna ng ipinapatupad na No Contact Apprehension Policy o NCAP sa Metro Manila.

Ayon Facebook post ng MMDA, nagsisimula sa P150 ang pinakamababang multa, habang umaabot sa P5,000 ang pinakamataas depende sa bigat ng paglabag.

Kabilang sa mga karaniwang violation na may kaukulang parusa ay ang illegal turning, attended and unattended illegal parking, dresscode for riders, obstruction, failure to carry/show/surrender driver’s license, failure to use seat belt, driving in slippers, reckless driving, at marami pang iba.

Baka Bet Mo: Jo Koy naloka sa matinding traffic sa Manila: ‘It’s giving me anxiety!’

Binigyang-diin ng MMDA na ang pagsunod sa mga batas trapiko ay hindi lamang para maiwasan ang multa, kundi para na rin sa kaligtasan ng lahat ng motorista at pedestrian.

“a simpleng pagsunod sa batas trapiko at alituntunin ng pamahalaan, malaki ang magagawa nito para mapanatili ang kaayusan sa lansangan at matiyak ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng daan,” pahayag ng ahensya.

Ang nasabing listahan ay bahagi ng patuloy na implementasyon ng NCAP, isang automated system na gumagamit ng mga traffic camera upang mahuli ang mga lumalabag sa batas trapiko kahit walang presensya ng enforcer sa kalsada.

Layon nito na mapatupad ang disiplina sa lansangan sa makabagong paraan at mabawasan ang korapsyon sa mga manual apprehension. 

Paalala ng MMDA: “Sumunod sa batas at pairalin ang disiplina sa kalsada sa lahat ng oras at pagkakataon, may nakatingin man o wala.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending