LPA posibleng maging bagyo, magpapaulan din sa bansa ang Habagat –PAGASA

PHOTO: Facebook/DOST-PAGASA
MAGING handa at alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Ito ang paalala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa gitna ng epekto ng Low Pressure Area na nasa bahagi ng Infanta, Quezon.
Ayon sa latest report ng weather bureau, may medium chance na ang LPA ay maging isang bagyo sa loob ng isang araw.
Maliban sa sama ng panahon, nagpapaulan din daw sa malaking bahagi ng bansa ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat.
Baka Bet Mo: PAGASA: 1 hanggang 2 bagyo ang aasahan ngayong Hunyo
“Dahil sa pinagsamang epekto, magpapatuloy itong makulimlim na panahon at mga pag-ulan,” sey ni Weather Specialist Daniel James Villamil sa isang press briefing kaninang umaga, June 8.
Pakiusap pa niya sa madlang pipol, “Patuloy po tayong maging handa at alerto [dahil] sa mga susunod na araw, tuloy-tuloy ang mga mararanasan nating pag-ulan. Maghanda po tayo sa banta ng pagbaha at pagguho ng lupa.”
“Inuulit ko po, regardless if maging bagyo o hindi ang Low Pressure Area along with Habagat for the next three days ay significant na ulan ang ating mararanasan. So ‘yung characteristics po ng mga ulan na dulot ng Habagat ay usually sumasapit ng late afternoon to evening, magpapatuloy ang lakas ng ulan niyan until madaling araw,” paliwanag pa ng weather specialist.
Base sa weather bulletin ng ahensya, ang LPA ay magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol Region, Central Visayas, Eastern Visayas, Aurora, at Quezon.
Ang epekto naman ng Habagat ay sa Metro Manila, MIMAROPA, at ang mga natitirang bahagi ng Visayas, Central Luzon, at CALABARZON, pati na rin ang Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga.
Mararanasan naman ang isolated rainshowers sa iba pang lugar ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.