PAGASA: 1 hanggang 2 bagyo ang aasahan ngayong Hunyo

PAGASA: 1 hanggang 2 bagyo ang aasahan ngayong Hunyo

Pauline del Rosario - June 01, 2025 - 11:18 AM

PAGASA: 1 hanggang 2 bagyo ang aasahan ngayong Hunyo

PHOTO: Facebook/DOST-PAGASA

NGAYONG buwan ng Hunyo, inaasahan na may isa hanggang dalawang bagyo ang magpapaulan sa bansa.

Ito ang ibinalita mismo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) ngayong Linggo, June 1.

Sa online briefing ng ahensya, ibinandera ni Weather Specialist Daniel Villamil ang isang diagram na ipinapakita ang galaw ng mga bagyo na posibleng pumasok sa ating Philippine area of responsibility (PAR).

“May apat tayong usual tracks for the month of June. So itong una at pangalawang track ang tinatawag nating recurving scenario –may posibleng mamuo na Low Pressure Area na maaaring maging bagyo [at] posibleng lumapit sa ating kalupaan,” esplika ni Villamil.

Baka Bet Mo: Knows n’yo na ba…paano kumakalat, maiiwasan ang ‘mpox?’

Pero dahil nga raw ito ay “recurving”, nakikita nilang agad itong lilihis papalayo ng bansa.

Abiso pa ng weather forecaster, “Kahit hindi tatama ang bagyo sa mga tracks na ito, kailangan pa rin nating mag-ingat dahil panahon na ng habagat for the month of June.”

Paliwanag ng PAGASA, “[So] kahit malayo ang bagyo dito sa northeast portion ng ating bansa, kahit hindi ito magla-landfall, posible pa rin po nitong hatakin or paibayuhin itong southwest monsoon o hanging habagat.”

“Kaya kahit malayo, posible pa ring maging maulan sa ating bansa hindi dala ng mga pag-ulan nadulot ng bagyo, kundi ‘yung mga ulan na dulot ng enhanced southwest monsoon o hanging habagat,” ani pa ni Villamil.

Samantala, ang ikatlo at pang-apat na tracks ay may landfall scenario.

Ang ibig sabihin, ang bagyong ito ay posibleng tumama sa kalupaan ng silangang bahagi ng Southern Luzon o sa area ng Eastern Visayas.

Magugunita nitong Biyernes, May 30, opisyal nang idineklara ng weather bureau ang umpisa ng habagat season na hudyat ng panahon ng tag-ulan sa bansa.

Ang hanging habagat o southwest monsoon ang patuloy na magpapaulan sa malaking bahagi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending