Mikee Quintos sumakses sa thesis defense, ga-graduate na after 10 years

Mikee Quintos
HINDI napigilan ng Kapuso actress na si Mikee Quintos ang mapaiyak matapos ang matagumpay niyang thesis defense kahapon, April 22.
Ibinandera ng isa sa mga lead stars ng Kapuso series na “Slay” sa social media na finally, natapos at napagtagumpayan niya ang pagde-defend sa ginawa niyang thesis.
Isa kasi ito sa mga requirement na kailangan niyang tapusin para maka-graduate sa college. Nakatakdang magtapos si Mikee sa kursong Architecture sa University of Santo Tomas.
Ibinahagi ng actress-TV host sa kanyang Instagram stories ang ilang mga kaganapan sa ginawa niyang paghahanda para nga sa kanyang thesis defense hanggang sa makuha ang kanyang final grade.
Inamin ng dalaga na talagang inatake siya ng matinding nerbiyos habang nagpe-present ng kanyang thesis. “I defended my thesis this morning!” ang caption ni Mikee sa kanyang post.
Sa isang bahagi ng kanyang post makikita ang tensiyonadang aktres habang hinihintay ang kanyang final grade.
View this post on Instagram
Kasunod nga nito ang pagbandera sa naramdamang kaligayahan nang makita na ang kanyang grade. Ani Mikee, “POV: Your thesis jury just gave you your final grade and you’re finally graduating after 10 years in college.”
Super thankful and grateful ang Kapuso star sa kanyang thesis adviser, at nag-post ng mensaheng, “Thank you for everything, ms!”
Matatandaang noong 2021, isang estudyante sa UST ang nag-rant sa social media tungkol sa classmate raw niyang, “who gets good grades without having to work for it.”
Hindi niya pinangalanan ang naturang estudyante pero nagbigay siya ng clue na isa itong talent ng GMA. May mga nanghula na si Mikee raw ito.
“Nakakainis pa, makikita ko siya sa TV. Rinig ko rin pala nag-GMA lang siya kasi ni-reject siya ng Star Circle,” ang himutok ng netizen.
Taong 2023 naman nang mag-post si Mikee about it, “Ito po kasi ‘yung biggest misconception. People think that architecture thesis is a group work, it’s not po. It’s individual.
“So medyo po nagkaroon ng ganoong issue na hindi po ako gumagawa ng group work… Because of that incident din medyo naapektuhan po ang aking mental health,” paglilinaw ng aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.