Kristen Stewart ikinasal na kay Dylan Meyer sa Los Angeles, ayon sa mga ulat

PHOTO: Screengrab from Vogue website
IKINASAL na ang “Twilight” star na si Kristen Stewart sa longtime partner niyang si Dylan Meyer!
Ayon sa ulat ng American tabloid na TMZ, ginanap ang seremonya sa isang bahay sa Los Angeles noong Linggo, April 20.
Very intimate daw ang special day at piling-pili ang mga kaibigan na dumalo, kabilang na ang American actress-singer na si Ashley Benson at ang hubby nitong si Brandon Davis.
Nabanggit pa ng TMZ na isang linggo bago ang kasal ay kumuha na raw ng marriage license ang dalawa sa Los Angeles County.
Matatandaang naging Instagram official ang queer couple noong October 2019 at taong 2021 naman sila na-engage.
Sa isang panayam kay Stephen Colbert noong 2022, ibinahagi ni Kristen ang plano niyang kasal: “I just want to do it, you know? I’m not a good planner. I can’t make plans for dinner.”
Dagdag pa niya sa CBS Sunday Morning, “I also don’t want to be engaged for, like, five years. Like, we want to do it, you know what I mean?”
Si Kristen ay kilala natin bilang si Bella Swan sa blockbuster film na “Twilight,” habang si Dylan naman ay isang talented na writer at actress na sikat sa Netflix film niyang “Moxie” at sa seryeng “Miss 2059.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.