Marian trending dahil sa cryptic post, may pinapatamaan? ’Don’t f***k with me!’

PHOTO: Instagram/@marianrivera
ILANG araw matapos ang muling pagkikita ng dating couple na sina Dingdong Dantes at Karylle, usap-usapan naman ang recent post ni Marian Rivera.
Naging agaw-pansin kasi sa marami ang ni-repost ni Marian sa kanyang TikTok account na ang sabi, “Everything you do in life is like a boomerang. When you throw it, it eventually comes back. Don’t f**k with me.”
Sa caption naman ng original post ay may mga hashtags na “positive vibes,” “self-improvement,” “mind set matters,” at “success tips.”
Baka Bet Mo: Marian Rivera insecure sa pagsasalita ng English; Zia Dantes British accent
@notradeoff 👉 FREE 5-Step Focus System + Tracker 🔗 in Bio . . . . . Follow @notradeoff for more Speaker: Octavia St. Laurent . . . . . #positivevibes #selfimprovement #mindsetmatters #successtips #successmindset #growthmindset #motivational #personalgrowth #inspirational #motivation ♬ No Tradeoff for Success – NO TRADEOFF
Sa comment section, makikita ang iba’t-ibang reaksyon ng netizens at fans:
“Ngumiti ka naman kasi Karylle, napa-repost tuloy HAHAHA”
“Hirap talaga pag hindi clean slate pinanggalingan ng relationship. Nakuha mo na’t LAHAT ‘yung lalake, pero hindi pa din secured ang feeling.”
“2 days ago niya pa repost ito, jusme hindi pa na-air ‘yung Showtime, eme kayo hahaha”
“Grabe ang Ganda talaga ni Karylle, kahit walang ginagawa pinagseselosan HAHAHAHA”
“Check niyo account ni Marian, dami niyang ganitong reposts even from last week and 2 weeks ago pa. Not everything is about Karylle [laughing emojis]”
Magugunitang nagsulputan ang iba’t-ibang posts at video edits nina Dingdong at Karylle nang mag-guesting ang Kapuso Primetime King sa nasabing noontime show kasama si Charo Santos para sa promo ng kanilang pelikula.
Kaya naman, nag-assume agad ang ilang Marites na si Karylle ang pinapatamaan ni Marian pero wala kasing date kung kailan nga ba nag-repost ang huli.
Taong 2003 nang una inintriga si Karylle matapos siyang umabsent sa isang episode ng “It’s Showtime” nang bumisita sa programa sina Dingdong at Marian para mag-promote ng pelikula nilang “Rewind.”
Matatandaan din na three years ding tumagal ang relasyon nina Karylle at Dingdong hanggang sa maghiwalay nga noong 2008.
Sinisi ng kanilang fans si Marian na siyang third party umano sa breakup.
Anyway, abangan nalang natin kung ano ang magiging reaksyon o sagot ni Marian tungkol sa kumakalat na latest issue.
Alam naman din natin na very happy na sila sa kanya-kanyang buhay at pamilya.
Si Marian at Dingdong, ikinasal noong 2014 at biniyayaan ng dalawang anak na sina Zia at Sixto.
Sa parehong taon din ikinasal si Karylle sa bokalistang si Yael Yuzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.