Bandang Innervoice ibinandera ang bagong bokalista

InnerVoices ibinandera ang bagong bokalista; MTRCB suportado ang 2 Nora Aunor films

Reggee Bonoan - April 27, 2025 - 05:52 PM

InnerVoices ibinandera ang bagong bokalista; 2 Nora Aunor films suportado ng MTRCB

InnerVoice; the late Nora Aunor

SA isang banda, kapag nawala ang bokalista o frontman ay nagkakaroon ng problema dahil sila ang mas hinihiyawan ng tao kaysa sa ibang miyembro.

Pero sa grupong InnerVoices na ilang beses nang nagpapalit ng frontman ay nanatiling nakatayo at marami pa ring gigs.

Ayon sa bumuo ng grupo at nagsisilbing manager na si Atty Rey Bergado at the same time ay keyboardist ay kaya umaalis ay may mga personal na dahilan na ayaw naman niyang pigilan baka kasi masisi pa siya sa huli.

Tuloy pa rin ang ikot ng buhay para sa InnerVoices at dahil kilala naman na ang grupo lalo na sa mga pinupuwestuhan nila kaya kahit iba na ang bokalista ay okay lang sa mga tagasubaybay nila na labis namang ipinagpapasalamat ng banda.

Kamakailan ay ipinakilala na ang bagong frontman ng grupong InnerVoices na si Patrick Marcelino na Singapore-based, pero dahil namatay ang kanyang asawa at naiwan ang dalawang anak na mga bata pa ay nagpasyang hindi na siya aalis ng bansa para alagaan ang mga anak.

Baka Bet Mo: Chito thankful sa pag-aalaga ni Neri matapos magkasakit: Napakaswerte ko!

Sinusuwerte naman dahil hindi nawawalan ng trabaho si Patrick dahil mahusay naman talaga at napahanga nga niya kami sa kanyang performances na ginanap sa Aromata Bar, Scout Lazcano, Quezon City nitong April 23.

Kwento ni Patrick ay hindi siya nailang sa ka-banda niya kahit bago palang siya.

Aniya, “I’m very grateful sa grupo. They welcomed me. No pressure at all. I’m so very overwhelmed until now. I’m very happy. I just can’t wait to showcase my talent to everyone and to release our original songs.”

Sadyang mahilig sa music si Patrick at during college days pa ay rumaraket na siya at ang influences niya na nagkataong paborito rin ng buong InnerVoices, katulad ng Neocolours, Introvoys, Freestyle, at iba pa.

“Going to school in the morning, then singing at night. I was 18,” balik-tanaw ng bagong bokalista ng InnerVoices.

Si Joseph Cruz, keyboardist ng banda ang nagpakilala kay Patrick sa manager nilang si Atty. Rey Bergado at kaagad naman siyang nagustuhan.

Natiyempo na nasa isang gig sila at hindi pumwede ang dating bokalista na si Angelo Miguel at si Patrick ang tinawag para sa nasabing puwesto.

“Kapag hindi po nakakasampa si Angelo, ako po yung tinatawagan ni Sir Rey,” saad pa ni Patrick.

Samantala, sa nakaraang performance ng InnerVoice sa Aromata Bar ay kinanta nila ang kanilang original song na ilo-launch palang sa April 30 sa 19 East, Muntinlupa, Metro Manila, ang  THAL (Tubig Hangin Apoy Lupa), at ang fast song na Galaw.

***

Binigyan ng angkop na klasipikasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang dalawang tanyag na pelikula ng yumaong Nora Aunor na muling mapapanood sa mga sinehan.

Ito ang mga pelikulang “Tatlong Taong Walang Diyos” at “Tatlong Ina, Isang Anak” na nakatanggap ng rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) mula sa komiteng nagrebyu.

Ibig sabihin, swak itong panoorin ng pamilyang Pilipino.

Hinihikayat ang mga magulang sa ilalim ng PG na gabayan ang mga batang manonood at magkaroon ng pag-uusap sa mga bata tungkol sa tema ng pelikula.

Ang 1976 wartime drama na “Tatlong Taong Walang Diyos” mula sa direksyon ni Mario O’Hara ay nakatanggap ng mataas na pagtanggap noon mula sa mga kritiko nito at kinokonsidera bilang isa sa pinakamahusay na pelikulang Pilipino.

Habang ang “Tatlong Ina, Isang Anak” (1987) ay tungkol sa kwento ng pagiging isang ina sa katauhan ng tatlong babae na pinagtagpo ng pagmamahal at pagsasakripisyo.

Sa inisyatiba ng ABS-CBN Film Restoration Project (Sagip Pelikula), nagsisilbing pagkilala, parangal, at papuri ang mga pelikulang ito kay Bb. Nora Aunor, kung saan ang kanyang buhay at talento ay nag-iwan ng kasaysayan sa kultura at sining ng Pilipinas.

“Ang ating Superstar na si Bb. Nora Aunor ay hindi lamang isang pambansang yaman kundi ay sumisimbolo sa tagumpay ng industriya ng pelikula ng Pilipinas,” sey ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio.

Dagdag pa, “Tayo sa MTRCB ay masaya na mabigyan ng angkop na klasipikasyon ang klasikong pelikula ng yumaong superstar, na makatitiyak na ligtas itong panoorin ng mga manonood anuman ang edad.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hinihikayat ng MTRCB ang publiko na panoorin at makibahagi sa pagkilala sa legasiya ni Bb. Nora Aunor na siyang nagpapatunay sa mayamang kultura at sining, at maipagmamalaking pelikulang Pilipino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending