Sofia Andres, Daniel Miranda nagkabati rin matapos magkaasaran

Sofia Andres, Daniel Miranda nagkabati rin matapos magkaasaran

Reggee Bonoan - April 29, 2025 - 08:44 AM

Sofia Andres, Daniel Miranda nagkabati na matapos magkaasaran

Daniel Miranda at Sofia Andres

“NASA ABS-CBN po sila ngayon ni Dan,” ang mensahe sa amin ng taong malapit sa magkarelasyong sina Sofia Andres at Daniel Miranda.

Kamakailan ay nag-viral na tila hiwalay na sina Sofia at Daniel dahil in-unfollow nila ang isa’t isa sa kani-kanilang Instagram account.

Naging batayan na kasi ngayon na hiwalay na ang magdyowa o mag-asawa kapag in-unfollow nila ang isa’t isa sa social media.

Bukod dito ay may mga cryptic posts pa si Sofia sa kanyang Facebook account na tila may pinagdaraanan siya at marami kaming nabasang nakikisimpatiya sa kanya.

Anyway, tinanong namin ang taong malapit kina Sofia at Daniel kung anong meron sa ABS-CBN at bakit naroon sila pareho.

“May interview sila sa Kuan on One ba ‘yun?” sagot sa amin.

Ang “Kuan on One” ay ang online talk show ni Melai Cantiveros na napapanood sa YouTube channel ng ABS-CBN at iWantTFC.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Daniel Miranda (@danielmirandaa_)

Pawang mga Bisaya ang nagiging guest ni Melai sa kanyang online talk show dahil ito ang konsepto ng nasabing programa at nasa season 2 na ito.

“Bati na po sina Sofia at Daniel?” tanong namin sa aming kausap.

“Okay naman po sila, tampuhan lang, asaran ba,” kaswal na sagot sa amin.

Para saan po ‘yung mga cryptic post ni Sofia sa FB account niya?

“Mga poser po ‘yun marami po account na Sofia Andres sa FB,” kaswal na banggit sa amin.

Wala bang gagawin ang aktres sa posers niya dahil nasasaklawan na nito ang personal niyang buhay.

“Hayaan n’yo na, baka magpo-post din po siya (Sofia),” sagot sa amin.

Paano po maipapaliwanag na in-unfollow nina Sofia at Daniel ang isa’t isa sa IG.

“He-hehe!” ang tanging reaksyon ng aming kausap.

Hmmmm, hindi kaya drama lang ito para may pag-usapan sa interview ni Melai kina Sofia at Daniel?

Sakto naman na may post ang admin ng Sofia Andres FB account ng larawan ng aktres na nakasandal sa malaking poste ng ABS-CBN studio na ang caption ay, “Hello ABS-CBN (black heart emoji).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nag-viral naman kaagad ang larawang ito ng dalaga (hindi pa kasal kay Daniel) na pinupuri sila.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag nina Sofia at Daniel hinggil sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending