Lee Jae-wook, Cho Bo-ah magpapakilig at magpapaiyak sa ‘Dear Hongrang’

PHOTO: Courtesy of Netflix
HANDA ka na bang mahulog sa kasaysayan at sa misteryo ng pag-ibig?
Ito ang magiging kwento ng “Dear Hongrang,” ang pinakabagong period K-drama na pinagbibidahan ng heartthrob na si Lee Jae-wook at stunning actress na si Cho Bo-ah.
Mapapanood na ‘yan simula May 16 sa streaming platform na Netflix.
Ang kwento ay umiikot kay Hongrang, anak ng isang makapangyarihang negosyante noong panahon ng Joseon na bigla na lamang naglahong parang bula.
Baka Bet Mo: ‘Wednesday’ magbabalik sa TV, muling maninindak sa Season 2
Ang kanyang stepsister na si Jae-yi (Cho Bo-ah) ay walang tigil sa paghahanap sa kanya.
Pero teka, fast forward ng ilang taon…biglang bumalik si Hongrang (Lee Jae-wook), mas matangkad, mas misteryoso, at may dalang sikreto na tiyak na gugulatin ka!
Hindi lang ito basta-bastang period drama dahil may halo itong romansa, misteryo, at tensyon –mga sangkap na siguradong papakabog sa dibdib ng mga K-drama fans.
Sa pagbabalik ni Hongrang, hindi lang mga alaala ang babalik, kundi pati na rin ang mga damdaming matagal nang itinago.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.