Cardinal Tagle ‘first act of charity’ kay Pope Leo XIV: Candy 

Cardinal Tagle ‘first act of charity’ kay Pope Leo XIV: Binigyan ng candy 

Pauline del Rosario - May 11, 2025 - 10:33 AM

Cardinal Tagle ‘first act of charity’ kay Pope Leo XIV: Binigyan ng candy 

PHOTO: Screengrab from Facebook

ANG pagbibigay ng candy ang naging unang “act of charity” ni Luis Antonio Cardinal Tagle kay Pope Leo XIV.

‘Yan ang nakakatuwang rebelasyon ni Cardinal Tagle nang magkuwento siya ng mga naging moments bago maging Santo Papa si Robert Francis Prevost.

At alam niyo ba, hindi lamang ang bagong Santo Papa ang nakinabang sa matamis na sorpresa ni Cardinal Tagle.

Inalala rin kasi ng Pinoy cardinal na mula pa nu’ng una siyang lumahok sa conclave noong 2013, kung saan si Pope Francis ang nahalal, ay lagi na siyang may baong candy.

Baka Bet Mo: Cardinal Tagle kay Pope Leo XIV: ‘Very human, very humble, but very discerning’

Napansin pa nga raw siya noon ng yumaong Pope Francis na tila natuwa sa kanyang mga candy at humingi rin ng isa.

“He said: This little boy, bringing candies in the Sistine Chapel’… [He said] Do you have one? I’m hungry, please give me one,” kwento ni Tagle na may halong English at Filipino sa isang press conference mula sa Roma nitong Biyernes, May 9, ayon sa ulat ng INQUIRER.

Paliwanag ni Tagle, nagdadala siya ng candy sa loob ng Sistine Chapel habang nagaganap ang conclave dahil alam niyang tatagal ang eleksyon sa pagpili ng bagong pope at tiyak na magugutom siya kalaunan.

Wait, there’s more kwento sa “candy tale” noong 2013.

Naalala ni Tagle si Jean-Louis Cardinal Tauran, ang kardinal na nag-anunsyo sa buong mundo ng pagkahalal kay Pope Francis.

Humawak daw umano ito sa kanya at nagpahayag ng pangamba dahil sa kanyang Parkinson’s disease.

“He held onto me [and said] ‘I’m scared because the people might not hear my voice’… I said: ‘Be calm.’ I picked a candy out of my pocket and I told him to take it for him to relax,” dagdag ni Tagle.

At ngayon ngang bumalik ang “candy tale” sa nakaraang conclave, sinabi ni Tagle na katabi naman niya si Cardinal Prevost at napansin niyang humihinga ito nang malalim sa kanyang pagkakaupo.

“I said, do you want candy? He said, give me one. There, that’s my first act of charity to the new pope. We had those moments,” pagbabahagi ni Tagl, habang nakangiting inaalala ang pangyayari.

Maliban diyan, natanong din si Tagle sa nasabing presscon tungkol sa naging samahan nila ni Pope Leo XIV.

Pareho kasi silang namuno sa kani-kanilang mga dicastery.

Ang tanging paglalarawan ng Pinoy cardinal sa bagong Santo Papa, “He is very human, very humble, but very discerning.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabi rin ni Tagle na bukod sa may sense of humor si Pope Leo XIV, ay seryoso rin ito at mapanuri sa pagtupad ng kanyang tungkulin sa Simbahan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending