Candy bumilib sa sipag ni Quentin sa ‘first job’ sa isang resto

Candy Pangilinan bumilib sa sipag ni Quentin sa ‘first job’ sa isang resto

Pauline del Rosario - May 11, 2025 - 01:48 PM

Candy Pangilinan bumilib sa sipag ni Quentin sa ‘first job’ sa isang resto

PHOTO: YouTube/Candy Pangilinan

HINDI naitago ni Candy Pangilinan ang saya at pagka-proud nang bisitahin for the first time ang anak niyang si Quentin sa pinapasukang trabaho sa Quezon City.

Sa recent YouTube vlog, ibinandera ng comedienne-actress ang nasaksihan niya sa anak habang abala sa on-the-job training sa Cucina Di Francesco sa loob ng St. Pio Chapel.

Mapapanood sa video kung paano magtrabaho si Quentin na kaya nang kumuha ng order ng mga customer, gumagawa ng calamansi juice at coffee americano, nagse-serve ng pagkain sa mesa, at nagbibigay ng sukli sa mga suki.

Kahit pa medyo easily distracted at hyperactive ang anak ni Candy, matagumpay niyang natapos ang lahat ng gawain.

Baka Bet Mo: Candy Pangilinan sa pag-iinarte ni Quentin kapag papasok na sa school: ‘Di ko na siya pipilitin at mag-aaway na naman kami

“I was told that Quentin is more behaved when I’m not around. He seems to be restless in the presence of a familiar face. This is the first time I visited Quentin in 2 months of his work here,” chika ni Candy sa kanyang vlog.

Hindi rin pinalampas ng celebrity mom ang pagkakataon na makipag-usap sa isa sa mga superiors ni Quentin sa trabaho.

Dito niya nalaman ang good news na unti-unti na ring natututunan ng anak ang ilan sa mga importanteng life skills.

Kwento ng isa sa mga staff ng resto, “Nasasama ko na rin siya sa grocery nagbibigay lang ako ng listahan sa kanya tapos siya ang naghahanap.”

Dagdag pa, “Nakakapag-bank na rin siya.”

Para kay Candy, mahalagang maturuan ang mga batang may kapansanan ng mga kasanayan sa buhay at maranasan din nila ang tunay na mundo ng pagtatrabaho.

“They feel needed, they feel useful kaya nakakalimutan niyang mag-tantrums o magkaroon ng outburst emotions kasi busy,” wika ng komedyana.

Bukod dito, pakiusap din ni Candy na suportahan ang mga negosyong tumatanggap ng Persons With Disabilities (PWDs) bilang bahagi ng kanilang workforce.

“Let’s support businesses that open their companies to PWDs as workers,” saad niya.

Aniya pa, “Quentin is very loyal. Having someone like Quentin in your company is like hiring a human CCTV. This also makes the workplace kinder, more patient and helpful with one another.”

Kamakailan lang, nag-viral ang video ni Candy na kung saan ay napaiyak siya at umaming napapagod siya sa paulit-ulit na tantrums ni Quentin.

Ngunit sa kabila ng lahat ng pagsubok, patuloy siyang lumalaban at gumagawa ng paraan upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending