Yen Santos balik-showbiz after 4 yrs, may pasilip sa proyekto: ‘Joy of being back!’

PHOTO: Instagram/@ysantos
SPOTTED na may ginagawang bagong proyekto ang aktres na si Yen Santos!
Ito ay matapos ang ilang taon niyang pagpapahinga mula sa showbiz industry.
Sa isang Instagram post, ibinandera ni Yen ang isang behind-the-scene photo na tila sumalang siya sa isang taping.
Wala siyang idinetalye kung ito ay teleserye, pelikula o commercial, pero aminado siyang masaya siya kanyang pagbabalik.
“Day 1. The joy of being back,” caption ng aktres sa post.
Baka Bet Mo: Yen Santos hugot na hugot sa love advice ni Heart, patama kay Paolo?
View this post on Instagram
Magugunitang matagal-tagal ding nawala sa limelight si Yen na halos apat na taon siyang off-cam at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya diretsahang sinasabi kung bakit siya nag-hiatus.
Kung maaalala, nasangkot sa kontrobersiya ang aktres matapos siyang ma-link kay Paolo Contis na noon ay karelasyon pa raw ni LJ Reyes.
Mariin namang itinanggi ni Paolo na may overlapping sa relasyon nila ni LJ at sinabing hiwalay na raw sila bago pa siya naging close kay Yen.
Noong January 2023, inamin din sa publiko nina Yen at Paolo ang kanilang real score.
Pero pagdating ng 2024, umalingawngaw ang chismis na hiwalay na sila matapos mapansin ng netizens na hindi na sila nagfa-follow sa isa’t-isa sa IG.
Bagama’t walang kumpirmasyon, sinabi ng aktor noong November 2024 na single na raw siya.
Ang huling proyektong ginawa ni Yen ay ang 2021 film na “A Faraway Land” kasama si Paolo.
Bukod dito, kilala rin si Yen sa kanyang mga role sa ilang hit teleserye kagaya ng “Halik,” “Wildflower,” at “Pure Love.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.